Chapter 14

553 25 4
                                    

She was so upset na nag-lunch out pa sila ni Simon.

Pero hustisya, bakit naiinis sya sa mga kasama nilang babae.

Bago magpaalaman pa ang tatlo, muling bumeso ang mga babae kay Simon. Palihim na napaismid si Yassi.

The heck!

Bakit sya naiinis? Nagseselos ba sya?

Nang  nasa loob na sila ng sasakyan pabalik ng building ay tumawag si Lance.

Ihahatid daw sya nito mamayang uwian.

She agreed.

"Okay, sige. Since Friday naman today pagbibigyan na nga kita matigil ka lang." aniya.

"Sabi mo yan ha."

Tumawa siya.

"Oo na. Ipagpaalam mo ako mamaya."

Lumingon sya sa kanyang boss at nakita nya ang pagiging pormal ng mukha nito.

Matapos ang office hour ay sinundo ni Lance ang dalaga at ipinagpaalam kay Simon.

"Sige dude, mauna na kami ni Yassi. Don't worry coz ihahatid ko naman sya agad after dinner."

Tumango lamang si Simon.

"My parents wants to meet you Yassi."

"What?" halos mabulunan ang dalaga sa sinabing yun ng binata. Kasalukuyan silang kumakain sa isang Japanese restaurant.

"Naikwento kasi kita sa kanila and they are too eager na makilala ka."

Tinitigan ni Yassi ang kaharap.

She can sense na seryoso talaga si Lance sa sinasabi.

"Nahihiya ako Lance. More than one month pa lang tayong magkakilala and nililigawan tapos ipapakilala mo na agad ako sa mga magulang mo?"

"Ayaw mo silang ma-meet?" tila nalulungkot na tanong ni Lance.

"Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang di ba, mga girlfriend lang naman ang ipinapakilala sa mga magulang? Hindi pa naman kita sinasagot..."

"Eh di sagutin mo na ako." nakangiting sabi ng binata.

Nginusuan ni Yassi si Lance.

"Sorry na. Joke lang yun. Hindi naman kita minamadali." nag-aalalang bigkas ni Lance.

"What if sagutin kita pero hindi yes..." seryosong tanong ni Yassi sa binata.

Bigla namang natigilan si Lance.

Natawa tuloy si Yassi.

"Let's eat na nang makauwi na tayo."

Ngumiti si Lance at muling sumubo.

Paminsan-minsan sinusulyapan ni Yassi ang binata. Pinapakiramdaman nya ang sarili kung nakakaramdam sya ng kakaiba kay Lance.

Wala pang lalaki ang nakapukaw ng pansin nya maliban kay Sandro at Simon.

College pa lang sya nang magka-crush sya kay Sandro. Matalino kasi at cute.

When it comes to look, na-crush-an nya ang suplado look ng boss nya. For her, appealing ang pagiging misteryoso ni Simon.

Shacks!

Bakit napunta na naman kay Simon ang isip nya.

Mag-isa nya ngayong kumakain. Nagmessage ang Kuya Sandro nya na late na rin makakauwi.

Medyo nasanay na rin si Simon na kasabay nya sa paghahapunan ang kuya nya saka si Yassi.

Mabilis syang nakatapos ng pagkain dahil konti lang ang kinain nya.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon