Chapter 5

698 31 15
                                    

She catched her breath nang hawakan ni Simon ang kanyang braso. Napatingin sya dito.

Umangat ang kilay ng binata dahil sa pagkakatingin nya. 

"Yes?"

"Wala po Sir." Hindi maisatinig ni Yassi ang naglalaro sa isip nya.

She tried to compose herself at wag magpaapekto sa gesture ng boss nya. Yeah, naaapektuhan kasi sya sa pagiging gentleman ni Simon. She felt electricity running through her body dahil sa pagkakadikit ng kamay ni Simon sa braso nya. Sa chopper pa nga lang ramdam na nya yun. Natakpan lang dahil sa takot nya sa first experience nya sa pagsakay sa chopper.

Ipinilig ni Yassi ang kanyang ulo.

Act normally Yassi. Saway nya sa sarili.
What's happening to her?

Dinala si Yassi ni Simon sa isang shop. Alam nyang mamahalin ang mga damit na naroon dahil syempre mayaman ang boss nya. Branded syempre ang mga isinusuot nito. She thought bibili ng mga bagong kasuotan ang boss nya.

"Hi Sir Simon." bati ng staff sa binata. "

Sa tingin ni Yassi ay customer ng shop na 'yun ang boss nya dahil sa paraan ng pagbati ng babaeng staff.

"Hello! Where's Hazel?"

"Nasa office po nya Sir." Katatapos lang magsalita ng babae nang biglang may nagsalita mula sa pinto ng isang silid na nasa loob ng malaking shop. Napatingin sila dito.

"Si!"
Elegante at mukhang sosyal ang babae. Agad itong lumapit sa kanila at bumeso sa binata. Naka-focus ang paningin nito kay Simon kaya hindi sya nito napansin rather hindi sya pinansin. Saka lang sya nito tiningnan nang ipakilala sya ni Simon dito.

"This is Yassi. Yassi this is Hazel." Simpleng pakilala ni Simon sa kanilang dalawa ng magandang babae.

Tiningnan sya ng babae mula ulo hanggang paa. She's scanning her, alam nya.

"Oh well. Sya ba yung tinutukoy mong ibibili mo ng mga office attire?" Kaswal na sabi ni Hazel.

Tumango si Simon.

Tinawag ni Hazel ang isang staff nito. Inutusang asikasuhin si Yassi.

Nagdadalawang-isip si Yassi na sumama sa staff. Hindi naman kasi nya akalain na bibili sila ng kanyang maisusuot.

"Sumama ka na. You need those things. Remember, you'll go with me wherever I am. And most of the time nasa office ako. You have to dress proper suit. Okay?"

Hinawakan pa ni Simon ang kamay nya nang sabihin yun. Napatulala tuloy ang dalaga. Napatingin si Hazel at kita nyang tumaas ang kilay nito sa inakto ng boss nya.

"Okay po Sir." Mahina nyang sabi at pasimpleng hinila na nya ang kanyang kamay.

Alam nyang wala lang kay Simon ang mga gestures nito pero naaapektuhan sya. Haizzt!
First day pa lang nya sa Manila parang nawiwindang na sya.

Iba't ibang corporate attire ang pinasukat sa kanya ng staff. Maya't maya tuloy syang nasa loob ng fitting room. Magiliw ito sa kanya at napaka-approachable.

"Ma'am ang ganda mo, alam mo ba 'yun? Para kang manika. Kung may kulang lang sa iyo, kinulang ka lang sa height."

Natawa sya sa huling turan ng babae. Lakas mambola ng babae pero siguro nga totoo yun. Noon pa kasi maraming nagsasabi  sa kanya na maganda sya. Ligawin nga sya noong high school at lalo na noong nasa college sya. Focus lang sya sa pag-aaral kaya lahat ng nanligaw sa kanya ay binasted nya. Wala pang lalaki ang nakaagaw ng atensyon nya maliban kay Sandro. Crush nya ang kuya ng boss nya. Crush naman kasi ng bayan ang kuya ni Simon.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon