Chapter 39

389 26 1
                                    

Nasa bukana ng dining area si Simon. Bumaba na rin sya mula sa taas at hindi namalayan ng mga nag-uusap na naroon na rin sya.

Narinig nya ang usapan ng mga ito.

Napatingin ulit sya kay Yassi.

He is trying to remember her pero wala talaga syang maalaala.

Pero kakaiba ang naramdaman nya kaninang pagpasok pa lamang sa bungad ng pintuan.

Ang mga mata ng dalaga pamilyar sa kanya. She seems familiar but he can't remember her.

Her face is undeniably pretty. Simple lang pero ang lakas ng dating.

Lalapit sana si Simon sa umpukan ngunit natigilan sya sa tumawag sa kanya.

"Babe!"

Napalingon sina Sandro.

Nakita nila ang pagyakap ni Marianna kay Simon. Tumunghay pa ito at hinagkan sa labi ang natigilang binata.

Agad na tumalikod si Yassi at nagkunwaring may kukunin sa ref. Mabuti na lang at nasa ref pa ang macaroni salad.

Kukuha sya ng mailalagay sa mesa.

Haizzt!

Parang dinudurog ang puso nya sa mga nakikita nya.

Ang sakit!


Sa harap ng hapag kainan ay panay ang papuri ng mag-asawang Don Fernan at Donya Luisa sa mga nakahaing pagkain.

"The foods are great. Manang Belen, did Yassi cook all these foods?" tanong ni Don Fernan.

"Ay opo. Sya po talaga ang magaling at masarap magluto dito." nakangiting sagot ni Manang Belen. "Ako lang po ang nagluto ng pakbet at dinengdeng."

"Naku bibilis ang pagbalik ng katawan ni Si kapag ganito kasarap ang kakainin nya." natutuwa namang bulalas ni Donya Luisa.

Nakatungo lang habang kumakain si Yassi. Napilitan syang sumabay sa mag-anak dahil pinilit sya ni Sandro.

"Try this Mom. It tastes good." inabot ni Sandro sa ina ang lagayan ng kare-kare. Inabot din ng binata ang shrimp paste.

Nilasahan ng donya ang ulam.

"Masarap talagang magluto ng kare-kare si Yassi." puri ng ginang.

Napapasimangot si Marianna sa usapan ng mga kaharap sa hapag kainan.

Tahimik lang na kumakain si Simon.

Marami syang nakain dahil masarap naman talaga ang mga niluto ng dalaga.

Kumuha ng platito si Manang Belen para sa macaroni salad.

"Tikman nyo itong macaroni salad ni Yassi." aniya.

Unang kumuha si Simon.

He was impressed. Nagustuhan nya ang blend ng macaroni salad ni Yassi.

Ganoon din ang mag-asawang Donya Luisa at Don Fernan.

"Yanna dear, marunong ka bang magluto?" walang anu-ano ay tanong ni Donya Luisa sa katabi ni Si.

Napangiwi si Marianna.

"Honestly Tita, I have no skills in cooking."

Tumango tango ang donya.

"Well, I preferred na sana marunong magluto ang mapapangasawa ng mga anak ko. You know, hindi rin ako gaano karunong sa kusina kaya wish ko yan para sa kanila."

"Ay Tita madali lang naman mag-enrol sa mga culinary schools. I'll take a short course para matutong magluto." kaagad na sagot ng babae.

Romolyo ang mga mata ni Sonia sa narinig.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon