Chapter 6

622 30 3
                                    

Natulala  si Yassi sa kaharap.
Kung kanina sina Manang Belen ang natulala sa hitsura nya, heto naman sya, na-mesmerized sa hitsura ng kanyang Sir Simon.

Simon is wearing a black tuxedo.
Ang lakas ng dating nito sa kasuotang yun. Bagay na bagay pala sa boss nya ang ganoong kasuotan. He looks so manly and professional.
Napansin nyang bagong ahit ito kaya sobrang kinis ng mukha. He is perfectly handsome.

"Ehemmm..."

Bumalik ang huwisyo ni Yassi sa tikhim na yun ni Simon. Palagay nya lalong namula ang pisngi nya na mayroon nang konting blush on.
Bumungisngis naman sina Manang Belen at Sonia.

Hiyang-hiya tuloy ang dalaga.
Dyahe! Kung bakit kasi natulala sya sa kakisigan ng kanyang amo.

What a day to start!

Nasa kotse sila ngayon patungo sa office ni Simon.

Ang tahimik lang ng ambience. Nahihiya pa hanggang ngayon ang dalaga.

Nasa kandungan ni Yassi ang laptop ng binata. Ipinilit nya kasing bitbitin yun. Anong silbi nyang PA kung di nya pagsisilbihan ang kanyang boss di ba?
Alam nyang napilitan lang ibigay sa kanya ni Simon ang laptop nito. Kasi sabi nya magreresign agad sya kung sa simpleng bagay hindi ipapagawa sa kanya.

Buti hindi sya pinatulan ng boss nya. What if tanggalin nga sya nito sa trabaho... Buti na lang hindi naman nagalit sa dare nya.

Huminto sila sa harap ng isang matayog na building. Sabay pa silang bumaba ni Simon. Sa kanang pinto sya ng kotse at sa kaliwa naman ang lalaki.

Bitbit nya ang laptop ng binata patungo sa entrance ng building.
Binati si Simon ng guard na naroon.

"Ah Ma'am saan po kayo?" pagpigil ng guard sa dalaga.

Lumingon si Simon.

"She's with me." sabi nito sa guard.

Nahihiyang pinatuloy na ng guard si Yassi.

"Pasensya na po Ma'am." paumanhin ng guard. Nginitian ni Yassi ito.

Sa express elevator sila tumungo.

Dalawa lang sila ng kanyang boss. Tahimik lang sila. Well, lagi naman. Simon is a silent type of guy. Ewan ni Yassi kung kelan ito magiging kasing daldal nya. Pati kasi sya nahahawa na din dito eh.

Dahil kulob sa loob ng elevator langhap na langhap ni Yassi ang pabango ni Simon. Ewan ba nya. Simon's perfume is so addicting. Kanina nga sa kotse amoy na amoy nya ang pabango nito. Eh di lalo na ngayong nasa elevator sila.

Ting!

Nang bumukas ang pinto ay sinundan ni Yassi ang boss nya na nauna nang lumabas sa lift.

Lahat ay yumuyuko at bumabati kay Simon sa floor na 'yun.

Nakasunod lang sya sa binata. May mga ilang empleyado ang tinitingnan sya lalo na ang mga kababaihan. Tila inuuri sya ng tingin ng mga ito.
Ang mga kalalakihan naman ay titig na titig sa kanya.

Mga glass wall ang partition sa floor na yun.

Pumasok si Simon sa isang silid.

HR Department yun.

Hinanap nito ang Head ng naturang departamento.

Isang lalaki ang lumabas mula pa sa isang silid. Binati nito ang binata.

"Mr. Mendez, have you received my email?" direktang tanong ni Simon dito.

"Yes Sir. I already told my staff to update our manpower and  include Ms. De Vera on the list."
sagot ng lalaki na nakatingin kay Yassi.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon