Chapter 32

457 23 1
                                    

Kaagad nilang inasikaso ang pagpapaopera sa ama ng dalaga. Umuwi si Merly sa Cavite kasama si Yassi. Dinala sa Maynila ang ama nito. Kaagad ini-schedule ang pagpapaopera.

Problema na lamang ang blood donor.

"Ano bang type ng dugo ni Tatay?" tanong ni Yassi kay Merly.

Sinabi naman ni Merly kung anong blood type ng ama.

"Ha? Ganoon din ang blood type ko. Baka pwede akong mag-donate ng dugo para sa kanya." gulat na bulalas ni Yassi.

Kaagad nagpatest si Yassi ng dugo for compatibility.

Nang matapos masuri ang kanyang dugo nalaman nilang pwedeng pwede syang magdonate ng dugo sa ama ni Merly.

Pinagpahinga lang si Yassi at matapos noon ay kinuhanan na ng dugo.

She was so brave that time though takot sya sa karayom.
For the sake of humanity, ika nga ng kanyang isip at puso.

Kinabukasan ay inoperahan na nga ang ama ni Merly.

Hindi iniwanan ni Yassi ang dalaga. Katuwang sya nito sa pagbabantay at pag-aayos ng mga kailangan sa hospital.

Naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa ama ni Merly. Tuwang tuwa ito at nagpasalamat ng husto kay Yassi.

"Salamat ng marami sa tulong mo Yassi, ganoon din kay Sir. Kung makakausap mo si Sir, pakisabi ang taos puso kong pasasalamat." mangiyak ngiyak nitong sabi sa dalaga.

Ngumiti si Yassi dito.

"Walang anuman Merly."

Ibinalita ni Yassi kay Simon ang matagumpay na operasyon ng ama ni Merly. Sinabi rin nya dito ang pinapasabi ng kasambahay nito.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga. Kaagad syang nagpaalam kay Simon.

Sakto rin na palowbat na ang kanyang cellphone.

Kasama na ni Yassi si Merly sa pagbabantay sa ama nito. Inilipat na kasi ang ama ng dalaga sa isang private room.

Katatapos lang i-check ni Merly ang natutulog na ama nang makita nyang humulagpos mula sa pagkakaupo si Yassi. Napatakbo sya sa dalagang nawalan ng malay.

"What?" gulat ang reaksyon ni Sandro nang tawagan sya ni Manang Belen.

"Yes po Sir. Katatawag lang po ni Merly. Nawalan po ng malay si Yassi sa hospital. Nasa Singapore po kasi si Sir Simon kaya ikaw ang naisipan kong tawagan Sir Sandro."

Nag-alala ang binata kaya mabilis na pinuntahan ang binanggit ni Manang Belen na hospital kung nasaan sina Yassi at Merly.

Tinawagan nya si Merly habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Hindi alintana ng binata kung pinagtitinginan sya ng mga taong nakakakilala sa kanya.

"Sir nasa emergency room po. Kagagaling ko lang po dun." salubong ni Merly.

"Thank you. How's your father?" sagot at tanong ni Sandro.

"Ok na po sya. Under observation po muna ng ilang araw."

"Mabuti naman kung ganon. Sige Merly puntahan ko lang si Yassi. Mamaya na ako sisilip sa Tatay mo ha." paalam na ni Sandro.

Wala pang malay si Yassi nang puntahan ni Sandro ang dalaga sa emergency room. Kasalukuyang tinitingnan ito ng doktor kasama ng isang nurse.

"Good morning Doc."

Mukhang nakilala sya ng doktor at ngumiti ito nang maluwang.

"Congressman!"

"What happened to her Doc?"

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon