Chapter 58

394 26 1
                                    

Hating-gabi na ay hindi pa rin makatulog si Yassi. Ayaw syang dalawin ng antok dahil sa muling pagkikita nila ni Simon.

Parang ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang nang ikasal si Congressman Dylan ay nagkita sila ni Sandro, nanariwa ang mga alaala ng nakaraan maging ang sakit na dulot nito kaya ipinangako nyang tuluyan na nyang kakalimutan ang mga Marcos.

Ngunit muli silang nagkita ni Sandro nang sadyain sya sa kanyang resto. At doon nya napagtanto, mahirap burahin ang kahapon lalo na at naging mabuti ang binata sa kanya. O tamang sabihin, lahat naman ng mga Marcos ay naging mabuti sa kanya bagamat may mga pangyayaring pare-pareho nilang hindi ginusto.

Napapikit sya sa isiping nagkurus muli ang landas nila ni Simon. Binibiro nga ba sya ng tadhana?

𝘓𝘰𝘳𝘥, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘱𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘺𝘰. 𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘎𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘺𝘰 𝘱𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰.

Napansin ni Nanay Yolly ang antok na antok na anak. Kasalukuyang humihigop ng mainit na kape si Yassi at panay pa rin ang hikab.

"Ikaw ba ay nakatulog kagabi? Panay ang hikab mo riyan." pansin nito sa anak.

"Nakatulog naman po 'Nay." paiwas na sagot ni Yassi.

Minabuti nyang wag munang ikwento sa kanyang pamilya ang muli nilang pagkikita ng mga Marcos.

Maging kay Lola Adela nya ay hindi pa nya naikukwento ang pagkikita nila ni Sandro.

Nangangamba syang mapapagalitan sya ng kanyang ama.

Kanina pa tingin ng tingin si Yassi sa pinto ng kanyang resto.
Kapag may humihinto ring sasakyan ay nagkakandahaba ang leeg nya sa pagtanaw.

Mag-aalas onse na ngunit mukhang di yata kinulit ni Sianna ang ama para pumunta sa resto nya.

Napakibit ng balikat ang dalaga.

Hinihintay nga ba nya ang bata o may gusto pa syang ibang makita?

𝘠𝘢𝘴𝘴𝘪, 𝘬𝘢𝘭𝘮𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘨𝘢. 𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰?

Minabuti na lamang ni Yassi na tumulong sa pagluluto upang malibang sya.

Ilang sandali rin at medyo pawisan na sya nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Blaze!"

"Sorry di ako nakatawag kagabi. Napagod ako sa byahe. Inabutan pa ako ng traffic. Tsk.  Nandito ako ngayon sa Manila." pagbabalita ng binata.

"I see. Kelan ang balik mo?" tanong agad ni Yassi. Sa katapusan kasi ng buwan ay kaarawan na nya. Plano nyang magselebra ng simple. Isasara nya ang kanyang resto at yun ang gagamitin nyang venue.

"Depende. May inaasikaso kasi akong bagong business. If ever matapos ko na ang lahat ng dapat kong gawin, babalik agad ako dyan sa Batangas. Teka, miss mo na agad ako?" tudyo ni Blaze.

Tumawa si Yassi.

"Sira! Tinanong lang miss agad?"

"Oucchh! Kala ko makakalusot. Hindi mo pala talaga ako mamimiss..."

"Basta umuwi ka bago mag-katapusan ha." bilin nya sa binata bago matapos ang kanilang pag-uusap.

Punong puno ang resto nang sumapit ang alas dose. Nagkukumahog sa kusina maging si Yassi.

Mas dumami ata ang trabahante ni Simon.

Narinig ni Yassi na may umorder for delivery. Kaagad nyang tinanong si Mildred.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon