Chapter 37

432 31 4
                                    


"Ayaw nyo ba talagang mag-overnight dito?" tanong pang muli ni Dylan kay Sandro. Nagpaalam na kasi ang binata na uuwi na sila ni Yassi.

"Nope brod. Thanks for the invitation but we have to go back to Manila. I promised Yassi na babalik din agad kasi kami." sagot ni Sandro sabay sulyap sa dalaga. Medyo mugto ang mga mata nito at napansin nyang halos hindi ito makatingin sa kanila.

Mataman na tinitigan ni Dylan si Yassi.

"Hindi ko na kayo pipilitin kung ganoon. Ingat na lang brod sa pagmamaneho."

Nasa kalayuan ang tatlo pang kongresista at pasigaw pang tinukso si Sandro.

"Brod sana sa susunod hindi na birthday-han ang aattendan namin. Kasalan naman!" sigaw ng mga ito.

Namula si Sandro sa pambubuska ng mga kaibigang mambabatas.

Hindi rin nakapagsalita si Dylan.

"Yassi salamat sa pagsama kay Sandro." anang kongresista.

Nahihiyang ngumiti ang dalaga.

"Happy birthday po ulit Sir."

"Thank you. Ingat kayo."

Inalalayan ni Sandro si Yassi sa pagpasok sa kotse. Umikot sya at pumuwesto na rin sa driver's seat.

He opted not to bring his personal driver and bodyguards.

Gusto kasi nyang sila lang ni Yassi ang bibyahe.

Nakakabingi ang katahimikan.

Walang maisip na topic si Sandro para man lang may mapag-usapan sila ni Yassi.

Nakikiramdam sya sa nanahimik na dalaga.

Nakamasid lamang sa labas ng bintana si Yassi. Abala ang kanyang isip kay Simon.

Dati rati si Simon ang kasama nya sa mga malayuang byahe.

Isang iglap lang nagbago na ang lahat.

"Sir pwede pong paki-hinto."

Nagulat si Sandro sa biglang pagsasalita ni Yassi.

Itinabi nya ang sasakyan.

"Sir magdadasal lang po ako."
Mula sa kinaroroonan nila ay tinuro ni Yassi ang lumang simbahan na nadaanan nila.

Bago pa man makapagsalita si Sandro ay hangos na bumaba si Yassi.

Nakita ni Sandro ang pagluhod ng dalaga.

Mula sa entrance ng simbahan ay paluhod itong naglakad patungo sa altar.

Habang naglalakad ng paluhod si Yassi ay taimtim syang nagdarasal. Tumutulo ang kanyang luha.

"𝘓𝘰𝘳𝘥 𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘴𝘪 𝘚𝘪𝘮𝘰𝘯. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘰. 𝘏𝘢𝘭𝘰𝘴 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘴𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢. 𝘈𝘺𝘰𝘬𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘗𝘢𝘬𝘪𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘴𝘺𝘢. 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘱𝘰. 𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘰, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘴𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘯𝘰𝘳𝘮𝘢𝘭. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦... 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘱𝘰..."

Sa pagitan ng impit na paghikbi ay paulit ulit na usal ng dalaga.

Gustong lapitan ni Sandro si Yassi dahil sa paglalakad nito ng nakaluhod. Alam nyang magagasgasan ang tuhod ng dalaga dahil nakasuot ito ng hanggang tuhod na bestida. Ngunit wala syang magawa kundi masdan lamang ito hanggang makarating ito sa altar.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon