Chapter 16

559 24 2
                                    

Tatlumpong minuto na ang nakalipas ngunit ngawit na ang binti nya wala pa rin syang masakyan.

Naghihimagsik na ang kalooban nya. Kung sana hindi abala ang boss nya sa babaeng kausap eh di sana nakiusap syang ipahatid sya sa driver ng pamilya hanggang sa kanila.

Kaso abala sa pakikipagharutan eh.

Teka parang bitter na bitter sya. Ano ba talaga ang ipinagsisintir ng kalooban nya. Ang hindi sya naihatid ni Simon o ang pagiging abala nito sa bisita?

Napapitlag sya nang may humawak sa kanyang kamay.

Agad syang lumingon sa nagmamay-ari noon.

"Sir?"

Seryoso at matiim ang mga mata ni Simon.

"I told you ihahatid kita. So what's this?" ang lamig ng tingin ng kanyang boss.

"Sir kasi may bisita po kayo."

Bumuntong hininga si Simon.

"That's not my point. Sana nagpaalam ka man lang."

Yumuko na lang si Yassi. May dahilan ba para makipag-argumento sa boss nya?

"Wait me here, ilalabas ko lang ang sasakyan ko."

Bago pa makapagsalita si Yassi, pumasok na sa bakuran si Simon.

Ilang sandali pa ipinagbukas na ng guard ng gate ang binata.

"Hop in." utos ni Simon sa dalaga.

Wala na syang nagawa kundi sumakay sa kotse ng amo.

Wala silang imikan habang nasa byahe.

"Sir salamat po sa paghahatid. Pasok po muna kayo."

Nakahinto na sila ngayon sa  tapat ng kanilang bahay. Bumaba sya at ganoon din si Simon.

"Anak!" masayang salubong ng Nanay Yolly nya. Nagmano sya rito.

Kasunod ng nanay nya ay ang Tatay Mario nya.

Nagmano rin sya dito.

"Tay, Nay, si Sir Simon po." pakilala nya sa kanyang boss.

"Good evening po." magalang na bati ng binata.

"Magandang gabi naman hijo. Salamat sa paghatid sa anak namin. Halikayo sa loob." 

Nagpatiuna na sa loob ng bahay ang mga magulang ng dalaga. Sumunod ang dalawa.

"Anak magbihis ka na muna at ihahanda ko na ang mesa. Sir Simon, dito ka na maghapunan ha." paanyaya ng nanay ni Yassi.

Napatingin ang dalaga sa kanyang boss.

Ngumiti ito at hindi nya kinaringgan ng pagtanggi.

"Upo ka muna Sir." sabi ng Tatay ni Yassi.

"Simon na lang po."

Tumango si Mang Mario.

"Maiwan na muna kita dito at tutulungan ko lang si Misis sa kusina." nakangiting paalam ni Tatay Mario.

"Sir magbibihis lang po ako." paalam naman ni Yassi.

Hindi kalakihan ang bahay nina Yassi ngunit maayos yun at masinop. Tipikal na bahay sa probinsya. Bungalow yun na pinagtulungang maipatayo ng Tatay nya at Lola Adela nya. May tatlong kwarto iyon. Kwarto ng ama't ina, ng lola nya, at kwarto nya.

Nadatnan ni Yassi si Simon na nakatayo sa harap ng dingding kung saan nakasabit ang mga ilang mahahalagang larawan nya at katibayan ng mga nakuha nyang academic awards mula elementarya hanggang kolehiyo.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon