Chapter 35

398 26 4
                                    

Nagmulat ng kanyang mga mata si Yassi.

Nanlalabo pa ang kanyang paningin ngunit luminaw rin pagkaraan ng ilang sandali.

Unang nahagip ng kanyang paningin ay ang puting kisame.

Napakunot ang noo nya. Naisip nya kung nasaan sya.

"Yassi!" narinig nya ang pamilyar na tinig ng isang  babae.

Nilingon nya ang pinagmulan ng tinig.

Nakita nya si Sonia at humahangos na lumapit ito sa kanya.

"Diyos ko! Thank you po nagising na si Yassi!" napa-antada pa ang dalaga nang lumapit sa kanya. Sakto lang pala ang pagsilip nya sa ICU kung nasaan si Yassi. Nagising na ito.

May tinawagan ang dalaga sa kanyang cellphone. Maya-maya lang ay nagpaalam ito para tumawag ng doktor.

Nang matanggap ni Sandro ang balita ni Sonia ay agad nyang pinuntahan ang  hospital kung saan naroroon si Yassi. Saktong nasa malapit lang din sya kaya pinasibad nya ang kanyang sasakyan.

Masaya sya sa nabalitaan.

"Sonia kumusta si Sir?" medyo paos ang tinig ng dalaga nang magsalita.

"Ha? Si Sir Simon ba?" tila nahihirapang banggitin ni Sonia ang pangalan ng amo.

Tumango si Yassi.

"Ano kasi ah..."

Dumating ang doktor ni Yassi kaya di na nakasagot si Sonia.

Inexamine agad ng doktor ang dalaga.

"Please move your legs Yassi."

Sinunod naman ito ng dalaga. Naigalaw nya ang kanyang kanang paa ngunit mabigat ang kaliwa. Saka lang nya napansin na nakasemento ang kaliwa nyang paa hanggang binti.

"You had fractured bone so we need to cast your left foot. We will do an x-ray to see if your bone is completely healed before removing the cast."

"Sir Sandro!" bulalas ni Sonia nang pumasok sa silid ang kararating lang na binata. Tinanguan ng binata ito.

"Yassi!" kaagad na nilapitan ni Sandro ang dalaga. Lumingon sya sa doktor. "How is she Doc?"

"Now that she's awake I may say that she's already out of danger. Her vital signs are all normal and I think in just few days pwede na syang i-discharge kapag okay ang magiging results ng mga gagawing test sa kanya. We can now transfer her to another room."

Tumango tango si Sandro.

"We will conduct some several test on her tomorrow. I'll be back when all the results are done."

"Thanks Doc." ani Sandro.

Nang makalabas ang doktor ay agad tinanong ni Yassi ang binata.

"Sir si Sir Simon po? Kumusta sya?"

Nagkatinginan sina Sonia at Sandro.

"Magpahinga ka muna Yassi." sagot ni Sandro.

Naiinis na si Yassi dahil wala syang makuhang sagot.

"Bakit ayaw nyong sagutin ang tanong ko. Sonia! Nasaan si Sir Simon? Sir Sandro! Please.."

"Okay please relax." bigla namang nataranta si Sandro nang makitang tila naghihisterikal na si Yassi.

"Sir lalabas po muna ako." paalam naman ni Sonia para makapag-usap ang dalawa.

Kumalma ang dalaga nang umupo sa kanyang tabi si Sandro.

"To begin with, it's been five weeks since the accident happened. You and Simon were unconscious since then."

Namilog ang mga mata ni Yassi sa nalaman. Hindi sya makapaniwalang isang buwan mahigit na wala syang malay. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon