Chapter 56

351 23 1
                                    

Matapos ang tatlong araw ay nakabalik na sa kanyang resto si Yassi. Sa loob ng tatlong araw na pamamahinga nya sa kanilang bahay, hindi pumalya si Blaze sa pagbisita sa kanya.

Sa kanyang munting opisina muna sya nagbabad dahil binilinan sya ng kanyang nanay na wag munang magpapakapagod sa pag-aasiste sa mga tauhan nya.

Tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

Si Mildred lang pala yun.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo dito sa baba." sabi nito.

"Sige bababa na ako." aniya. Nakalimutan nyang itanong kung sino ang taong naghahanap sa kanya. Imposibleng si Blaze yun dahil kilala nila ito.

Nasa hagdan sya nang matanawan nya ang nakangiting mukha ni Dylan.

"Sir Dylan!" bati nya dito. Nakatingin naman sina Alice at Mildred sa kanila. May mga taong bumabati din dito dahil kasalukuyan pa rin itong Kongresista ng lalawigan.

"Someone wants to dine in here." nakangiting sabi ni Dylan. Nilingon nito ang tinutukoy at natigilan sya nang makita si Sandro.

Ngumiti ito sa kanya ng alanganin. Tipong nahihiya.

"Ha, sinadya nyo pa talaga itong resto ko, marami namang mga 5-star restaurant dyan Sir." pabirong sabi ni Yassi kay Dylan at pahaging na rin nya yun kay Sandro.

"Sa taas po tayo at mas maganda ang ambiance dun."

Iginiya nya paakyat ang dalawa.

Mabuti na nga lang din at wala pang gaanong customer ng mga oras na yun.

"Sir Sandro, kumusta po?" wala sa loob na naitanong nya matapos abutan ang dalawang lalaki ng menu list nila.
Nakaupo na ang dalawa at nakatayo sya sa harap ng mga ito.

"Still the same, Yassi." sagot ni Sandro.

"Ah Yassi, I hope you don't mind if you join us. Busy ka ba?" Dylan asked.

"Hindi naman po masyado. Sige po."

Ipinag-isod sya ng upuan ni Dylan. Dahil nasa pang-apatan na table sila, katabi nya ang kongresista at katapat naman nya si Sandro.

Nang makapili na ng makakain ang dalawa ay agad tinawagan ni Yassi si Alice para ibigay ang order ng mga bisita.

Humingi lang sya ng pineapple juice para sa sarili at clubhouse sandwich.

Habang naghihintay sa kanilang mga pagkain ay nagsimulang magkwentuhan sina Dylan at Sandro.

"Brod, why don't you invest on properties? Marami kang mabibiling properties dito sa Batangas. Farms, resorts, like those stuffs." ani Dylan.

Ngumiti si Sandro.

"I was thinking of that bro. Kung meron, why not. Parang gusto ko ring magkaroon ng uuwiang bahay dito. Medyo malayo ang Norte eh. Dito 3-4 hours lang." sagot ni Sandro.

Nakikinig lamang si Yassi sa dalawa.

"Buti pa itong si Yassi, may sarili ng business. I was really surprised na magkakilala pala kayo ni bunso." ani Dylan.

"Ako din naman po Sir. Hindi kasi kayo magkamukha kaya malayo sa isip ko na magkapatid kayo kahit alam kong magka-apelyido kayo ni Blaze." nakangiting sagot ng dalaga.

"Hmmm... Masyadong malihim yung taong yun. And hindi naman yun umuuwi sa bahay ng madalas kasi he lives here, sa nabili nyang bahay at lupa sa poblacion proper. Paano nga pala kayo nagkakilala ni Blaze?" curious na tanong ng kongresista.

"Naku Sir Dylan, mahabang kwento. Basta ang umpisa noon ay noong na-flat ang gulong ng dyip ni Tatay. Tumulong si Blaze sa pagpapalit ng gulong at doon na nga kami nagkakilala. Kasama kasi ako ni Tatay that time." kwento ni Yassi.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon