Chapter 10

618 23 2
                                    

Manaka-nakang sumusulyap ang magkapatid sa dalaga habang kumakain. Nahihiya naman si Yassi dahil inaasikaso sya ni Sandro. Di sya makatanggi sa kakasalin ng kanin at ulam nito sa plato nya.

Napapatingin naman sya sa tahimik na boss nya. Kaya ito naman ang sinasalinan nya ng kanin at ulam. Bagay na napansin nina Manang Belen. Nahuli ni Yassi na nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Thanks. Don't mind me. Kumain ka na." anang binata.

"No Sir, ikaw po ang kumain nang kumain. Patatabain kita." wala sa loob na sabi nya. Nag-angat ng mukha si Simon at nagkatinginan sila ni Yassi.

Doon naman nahiya ang dalaga.

Goodness! Ano ba yung sinabi nya? 

Tinitigan tuloy sya ng boss nya.

Para syang nahipnotismo sa klase ng tingin ni Simon at sinalubong din nya ang mga titig nito.

"Ehemmm...."

Sabay pa silang napatingin kay Sandro.

Pakiramdam ni Yassi nag-iinit ang buong mukha nya.

Tama ba? Nakipagtitigan sya kay Simon kahit katabi nya si Sandro?

OMG!

"Sir may lunch out meeting po kayo ngayon kay Mr. Rodriguez Inform ko lang po kayo." abiso ni Yassi sa kanyang amo matapos nya itong dulugan ng kape.

"Thanks Yassi. Please inform Jackie to accompany me."

"Sige po Sir..."

Lumabas ang dalaga mula sa opisina ni Simon at sinabihan si Jackie tungkol sa meeting ng boss nila.

"Girl, samahan mo daw si Sir sa meeting."

"Hala ako ba? Nasanay na ako na ikaw ang isinasama nya sa mga meetings nya eh."

"Ikaw daw ang isasama nya ngayon.  Ayaw mo ba nun makakasama mo ang crush mo." tukso ni Yassi.

"Sus oo crush ko nga si Sir pero iniisnab naman ako nyan. 3 years na akong nagpapacute sa kanya hindi naman nya ako pinapansin."

"Malay mo naman after 10 years mapansin ka na nya." pang-aasar ni Yassi.

"Naku kahit hindi na. May boyfriend na ako ngayon 'no!"

"Hahaha! Sige na nga maiwan na kita." paalam na ni Yassi.

Before 11AM ay umalis na si Simon at Jackie. Naiwan si Yassi sa loob ng opisina ng kanyang boss at kasalukuyan nyang tinatapos ang report para sa monthly expenses ng boss nya.

"Nakaisang buwan na pala ako."  napangiti sya nang maisip yun.
Hindi nya akalain na tatagal din sya bilang PA ni Simon. On the first place, hindi naman sya nahirapan.
Nakapag-adjust na sya sa pagsakay sa elevator. Nakakahiya yung unang sakay nya dahil pagkalabas sa lift nasusuka sya sa pagkahilo.

Tumunog ang kanyang cellphone...

Unknown number. Kumunot ang noo nya.

"Hello!"

"Hello po M'am! Si Ms. Yasmine de Vera po ba ito?"  boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Yes. Ito nga po."

"Ma'am nandito po ako sa lobby. May ipapa-received lang po ako sa inyo na order."

"Ah Sir saan po galing yan kasi po wala akong matandaan na inorderan ko ng kahit ano." nakakunot-noong tanong ni Yassi.

"Ay Ma'am pagkain po ito inorder po ni Sir Simon para sa inyo." 

"Po?"

"Paki-receive na lang po Ma'am."

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon