Chapter 15

605 26 3
                                    

Matapos maghugas ng mga pinagkainan ay bumalik na sa dining area si Yassi dahil ipinagtabuyan na sya nina Manang Belen.

Dahil sa panunukso ni Sonia bigla syang nakaramdam nang di maipaliwanag na damdamin habang papalapit sa kinaroroonan ng boss nya.

Tumayo si Simon nang makita si Yassi.

"May lakad ka ba ngayon?" tanong ng binata.

"Po?"

"I mean if you don't have anything to do, pwede mo ba akong samahan?"

Tila pakiusap yun kesa utos. 
Kahit di pa nya alam kung saan sila pupunta ay umoo na agad si Yassi. Sa isip nya, mamaya na lang sya maglalaba ng mga marurumi nyang damit.
Makakatanggi ba sya sa boss nya? Natural hindi. Isa pa, tila nakikiusap ang boss nya.

"Ngayon na po ba Sir?" tanong nya.

"Yes."

Kanina pa nakapaligo si Yassi ngunit hanggang ngayon di pa nya alam kung ano ang isusuot nyang damit. Naisipan na lang nyang isuot ang pulang blusa nya at white skinny pants. Ngunit pagbaba nya sa salas nakita nya na nakasuot rin ng pulang pantaas ang boss nya.

Ano ba 'yan! Terno pa ang pantaas nila!

Nagpalipat lipat ng tingin si Sandro sa kanilang dalawa.

"Hindi naman kayo nag-usap nyan sa susuotin nyo?" nakatawa nitong sabi.

Kapwa sila nagkatinginan ni Simon at napangiti.

"We didn't." sagot ni Simon.

"Saan ba ang punta nyo? Baka pwede akong sumama." biro ni Sandro.

"Sure. Papasama lang ako sa mall kay Yassi."

"Sure?"

"Yup. Make it fast dahil ayokong gabihin sa labas. You know I don't usually go out if it is not really needed."

"C'mon. Mabilis lang ako. Magbibihis lang ako since I already took a bath early this morning."

Mabilis na umakyat sa taas si Sandro at naiwan sa salas ang dalawa.

Umupo muna sila saglit habang hinihintay si Sandro.

Walang maapuhap na sasabihin si Yassi kaya tahimik lang syang nakaupo samantalang nagsi-cellphone ang boss nya.

Nang makita si Sandro pareho pa silang nanlaki ng mga mata dahil nakasuot rin ito na pulang polo shirt.

"Whaaat!" reaction ni Simon.

Tumawa lang ang kuya nito.

"Today is red day!" anito.

Napapatawa na lang si Yassi.
Para tuloy silang mangangampanya dahil sa parehong mga kulay ng kasuotan.

"Tatak Marcos!" biro nya sa magkapatid.

Tumawa si Sandro.

"Yes! And definitely, my favorite color. So I am proud to wear red shirts."

Ngumiti si Yassi sa tinuran ni Sandro.

Nagpaalam muna si Simon sa mga kasambahay na aalis sila at sa labas na lang manananghalian.

Nagpasyang sa iisang sasakyan lang sila sasakay. Sa sasakyan ni Simon.

Nasa unahan si Simon katabi ng driver samantalang nasa backseat naman sina Sandro at Yassi. Hindi sila nagpa-convoy sa mga bodyguards nila.

Habang daan ay nagkukwentuhan sina Sandro at Yassi ng kung anu-ano lang. One thing na hindi maikakaila ni Yassi, good speaker si Sandro kaya no dull moment kapag kasama ito. Minsan seryoso ang mga topic nila, pero naisisingit din naman nito ang pagiging humurous.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon