Chapter 70

857 38 56
                                    

Dalawang linggo na mula nang mangyari ang biglaang pagsulpot ni Marianna sa resort ni Simon, at dalawang linggo na ring nag-aalala ang dalaga dahil hindi nya makontak ang kasintahan.

May nangyari ba?

"May sakit ka ba?" tanong ng Nanay Yolly nya nang gabing umuwi syang matamlay. Wala din syang ganang kumain ng hapunan.

"Wala po Nay. Napagod lang po sa resto."

Hindi na rin sya kinulit ng Nanay nya.

She had a hard time sleeping kakaisip kay Simon.

He wanted to call Sandro para tanungin tungkol kay Simon ngunit nagdalawang isip syang gawin yun.

𝘈𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘚𝘪?

Isang araw nakatanggap sya ng text kay Lindsay. Sinabi nitong naroon si Simon sa resort kasama si Sandro.
Nagbilin kasi sya dito na just in case ay magawi roon si Simon ay abisuhan sya.

Nasa bar daw ng resort  ang  magkapatid.

Napailing si Yassi.

Ang aga aga nasa bar ang dalawa.

Haizzt!

Pumunta sya sa resort ni Simon at dumeretso sa bar.

Sarado ang bar except ang pinto. Nakabukas yun nang bahagya. Dahan dahan syang pumasok.

Bukas ang ilaw sa loob.

She saw Simon and Sandro. May mga hawak na bote ng alak.
Nakaupo ang mga ito sa mataas na stool ng bar counter, patalikod,  kaya hindi namalayan ang pagpasok nya.

"So what now? Are you going to tell it to Yassi?" narinig nyang tanong ni Sandro.

Umiling si Simon.

"She will get hurt." sagot ni Simon at pagkatapos ay lumagok ng alak.

Napaisip si Yassi. Saan sya masasaktan? Anong ibig sabihin ni Simon?

"But eventually malalaman din nya ang lahat. Masasaktan pa rin sya. It depends how she will absorb the situation." ani Sandro.

Huminga ng malalim si Simon.

"I don't know... Bahala na." naguguluhang sabi.

"So kelan kayo aalis?" tanong pa ulit ni Sandro.

Kumunot ang noo ni Yassi.

Aalis sina Simon? Sino ang kasama sa pag-alis? Saan sila pupunta?

"As soon as possible."

Sa narinig ay may kung anong kirot ang gumuhit sa dibdib ni Yassi.

Simon is avoiding her at ngayon ay aalis pala ito.

Is something happened?

"Ikaw na ang bahala kay Yassi Kuya. Please take good care of her." garalgal ang tinig na sabi ni Simon.

Nanubig ang mga mata ni Yassi.

So there. Ipinapaubaya na ba sya ni Simon kay Sandro?

It's unfair. How could he do this to her?

She couldn't stand it anymore...
She left the bar while tears are falling down to her cheeks.

Masakit ang kalooban nya sa mga narinig.

Marami syang tanong kay Simon ngunit di nya ito nagawang komprontahin.

She walked fast pabalik sa kanyang resto. Halos masubsob sya sa buhanginan.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon