Chapter 45

419 27 5
                                    

"Yassi!"

Hindi kumikibo ang dalaga sa mga tumatawag sa kanya sa labas ng kanyang silid.

Nag-lock sya ng pinto. Ayaw nyang makipag-usap kahit kanino.

"Sir, kanina pa po hindi kumakain si Yassi. Saka naririnig lang namin ang pag-iyak nya." sumbong ni Sonia kay Sandro.

Napakuyom ng kanyang palad ang binata.

Mula sa dalawang kasambahay ng kapatid ay nalaman nya ang buong kwento kung bakit nagkukulong sa kanyang kwarto ang dalaga. Kararating lang nya sa mansion ng kapatid.

"The master key Sonia, ask it from Manang Belen."

Kaagad na tumalima ang dalaga sa utos ni Sandro.

Wala si Simon sa mansion. Hinatid nito si Marianna sa condo unit ng babae. Inabot na ito roon ng maghapon.

Mabilis na nakabalik si Sonia dala ang susi ng silid ni Yassi.

Kaagad na binuksan ni Sandro ang silid ng dalaga.

"Yassi!" kaagad na nilapitan ni Sandro ang dalaga. Nasa kama ito at nakaupo habang nakasandal ang ulo sa headboard. Magulo ang buhok ni Yassi.

Naawa si Sonia at Sandro sa nakitang hitsura ng dalaga.

Napatingin si Sandro sa mga braso ni Yassi. Maraming kalmot yun.

"Sonia please get some ointment for her wounds."

Nakayuko lamang si Yassi. Hindi ito tumitingin sa mga taong pumasok sa kanyang silid.

Tapos na syang umiyak. Pakiramdam nya wala na syang mailuluha pa.

"I already knew what happened. I'm sorry,  I wasn't here to protect you. You haven't eaten. Hindi ka pa daw kumakain mula kanina. It's seven in the evening now. Kumain ka na, ha."

Hindi pa rin kumikibo ang dalaga.

Sandro took her hand  and squeeze her palm gently.

"I am here. No matter what. Please kumain ka na. Gagamutin muna natin ang mga sugat mo."

Umangat ang mukha ni Yassi. Napatingin sya sa mukha ng binata. Nakita ni Sandro ang namamagang pisngi ng dalaga. Napalatak sya.

"Bakit ang bait bait mo sa akin Sir?"

Huminga ng malalim si Sandro.

Magsasalita na sana sya nang biglang nagsalita si Sonia.

"Sir andito na po ang gamot."

Si Sandro na mismo ang nagpahid ng ointment sa mga sugat sa braso ni Yassi. May mga mahahabang kalmot, may patusok. Ang kinis pa naman ng braso ni Yassi,  ngayon ay puro kalmot na.

Mabuti na lamang hindi sa mukha sya kinalmot ni Marianna.

Matapos gamutin ang mga sugat ni Yassi ay inutusan ni Sandro si Sonia na ikuha ng makakain ang dalaga. Maging ng cold compress na ilalagay sa pisngi ni Yassi.

Napilitang kumain ni Yassi. Kahit paano nahihiya sya kay Sandro sa effort nitong mapakain sya.

Nang mangalahati na nya ang pagkain ay umayaw na rin sya agad. Wala syang ganang kumain at masakit na masakit ang anit nya. Mahapdi rin ang mga kalmot na natamo nya. At ramdam pa nya ang pamamanhid ng pisngi nya.

Sinuklayan sya ni Sonia.

"Salamat." nahihiya nyang sabi.

"Magpapahinga na ako, Sir."

Nakuha naman ni Sandro ang ibig sabihin ni Yassi. Gusto na nitong mapag-isa.

"Okay, we'll leave now." tumingin si Sandro kay Sonia at magkasunod na nilang tinungo ang pinto. Sinara nila yun ngunit hindi ni-lock.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon