Chapter 61

403 31 4
                                    

"Blaze!"

"Hi!"

"Ang aga mo ah. Kabubukas lang namin. Breakfast?" tanong ni Yassi.

"Kumain na ako sa bahay. But if you insist, makiki-kape na lang ako." nakatawang sagot ng binata.

Napangiti si Yassi.

Consistent talaga si Blaze sa pagbisita sa kanya.

It's been two months after her birthday at halos araw-araw dinadalaw sya nito maliban kung nasa Maynila ito.

"Tara sa taas. Magpapadala ako roon ng makakape natin."

Nagbilin si Yassi kay Alice ng iinumin nilang kape ni Blaze at nagbilin na rin na igawa sila ng clubhouse sandwich.

Sa right side corner sila pumuwesto nang makarating sa taas.

"Patapos na pala ang ginagawang mansion ng dati mong boss." ani Blaze nang matanaw ang pinapagawang villa ni Simon mula sa bintana.

"Kalahati lang yan sa mansion niya sa Manila." sagot ni Yassi.

"Ow talaga? He must be rich. Ah yeah, Marcos nga pala sya." ani Blaze.

Napatitig si Yassi sa binata. Ngayon lang nya nahimigan ng ganoong pananalita si Blaze.

Nagseselos na ata ito kay Simon.

Ilang beses na rin kasi nitong nadatnan si Simon sa kanyang resto kasama si Sianna.

And everytime na nagtatagpo ang dalawa ramdam nya ang pagiging malamig ni Blaze kay Simon.

"He's rich. Pero kagaya mo rin syang nagsikap. He's a workaholic person.  Chairman na sya ngayon ng kanyang company and stock holders sa iba't ibang korporasyon." hindi napigilan ni Yassi ang sarili na ipagmalaki ang dating nobyo. Dating nobyo. Right. And hindi alam ni Blaze ang bagay na yun.

Blaze nodded.

"At least we're the same. Making out money in our own." tipid na ngiti ng binata.

Dumating si Alice bitbit ang tray na may lamang dalawang mug ng brewed coffee saka dalawang platito ng clubhouse sandwich.

"Thanks Alice." ani Yassi sa tauhan.

"Siyanga pala, birthday ni Mama next Sunday. She's inviting you." kaswal na sabi ni Blaze.

"Ah ganon ba. Ummm... Sure. Saan ba gaganapin?"

"Sa family resort pa rin."

Tumango tango ang dalaga.

"Sunduin kita para sabay na tayong pumunta roon."

"Sige."

Kung saan saan pa nakarating ang pagkukwentuhan nilang dalawa hanggang sa nagkaroon na ng mga customer sa second floor.

"I shall go. Nakakaistorbo na ako." bulong ni Blaze.

"Hindi naman. You're part of my resto, alam mo yan. Anytime na gusto mong pumunta dito, you are very most welcome here."

Napangiti si Blaze sa tinuran ng dalaga.

"Thank you Yassi."

Ngumiti naman ang dalaga.

"By the way, io-open ba sa public ang resort ng former boss mo?" tanong ni Blaze.

"We haven't talk about it. Pero sabi nya maghahanap muna sya ng pwedeng mag-run if ever. Kasi mas focus sya sa company nya."

"If i-offer nya sa iyo ang pagma-manage ng kanyang resort, will you accept it?"

Natigilan si Yassi. Never naman nilang napag-usapan yun ni Simon. At hindi rin nito inalok sa kanya ang bagay na yun.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon