Chapter 50

425 32 25
                                    

Magbubukas na sana sya ng bintana ng kanyang sasakyan dahil kinatok sya ng lalaking lumapit sa kanyang kotse ngunit pinigilan din ng taong nakasakay sa motor. Nakasuot ng helmet ang naka-motor kaya di nya makita ang mukha nito.

Sa tingin nya babae ang sakay ng motor dahil sa pigura ng katawan. Nakasuot ito ng skinny jeans at boots saka naka-suot ng maong na jacket. Mukhang boyfriend nito yung lalaking mabilis pa sa alas kuwatro kung rumesponde sa isang aberya.

Napailing si Simon nang tumingin ng masama sa kanyang kotse ang lalaki matapos na makaalis ang naka-motor.

Mabilis nyang ipinarada sa parking lot ang dalang kotse. Nakaalis na rin ang lalaki.

Tinawagan nya si Howard.

"I'm here. Where's your friend?"

"Okay kinontak ko na si Ralph. On the way na sya dyan."

Sa lahat ng ayaw nya, pinaghihintay sya ng matagal.
Limang minuto ang lumipas at lumabas na sya ng kanyang kotse.

Naroon sya sa Batangas upang personal na tingnan ang isang property ng kaibigan ni Howard. Beach resort daw yun at magma-migrate na sa Canada ang may-ari.

"Hi, Mr. Simon Marcos?" tanong ng isang lalaki na sa tingin ni Simon ay nasa edad 40 na pataas.

Tumango sya sa lalaki.

"Mr. Salazar?"

"Yes. Welcome to Sunrise View Resort."

Nakipagkamay sya sa lalaki nang ilahad nito ang palad.

"Magpahinga na muna kayo Mr. Marcos. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol sa resort. Halina kayo at sasamahan ko kayo sa inyong tutuluyan."

Bitbit ang isang backpack bag ay sumunod si Simon sa lalaki.

"Padadalhan ko na lamang kayo ng inyong makakain." sabi ni Mr. Salazar.

"No, thank you. Busog pa naman ako." tanggi ni Simon.

"Ah sige. Magpahinga na kayo. Salamat sa pagpunta dito sa aming lugar."

Nagpaalam na si Mr. Salazar.

Iginala ni Simon ang paningin sa buong paligid ng silid. Maayos naman. May sariling banyo at may tv at couch.

Mula sa kinaroroonan nya ay dinig ang ingay na nanggagaling sa ibaba, sa tingin nya ay resto-bar ng resort.

Binuksan nya ang sliding window ng silid, pumasok ang preskong hanging-dagat.

Kelan nga ba sya huling nakapunta sa tabing-dagat?

Five years ago.

Noong nagpa-outing ang Kuya Sandro nya at sa Batangas din yun.

Napahigit ng malalim na hininga si Simon.

Hindi nya maiwasang maalaala ang nag-iisang babaeng minahal nya ng sobra sobra.

Nasa ganoong pagmumuni sya nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Dada!"

Nabosesan nya ang nasa kabilang linya.

"Hello baby! Why you are still awake?" tanong nya sa kausap.

"I can't sleep Dada."

"You should be sleeping now. It's late in the evening."

"When will you go home?" tanong ng kausap.

"Tomorrow baby. Dada will be there. So sleep now okay?"

"Okay Dada."

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon