Chapter 26

588 31 1
                                    

"Oi tara na." untag ni Yassi kay Simon nang nakasakay na sila sa kotse nito. Kanina pa kasi ito tahimik.

"May problema ba?" tanong ni Yassi.

Huminga ng malalim si Simon.

"I guess sooner or later magpaparamdam na sa iyo si Kuya."

"What?" hindi makuha ni Yassi ang sinasabi ng binata.

"He likes you."

Natigilan si Yassi.

"Ako, gusto ni Sir Sandro?" nauutal nyang tanong.

Napasimangot naman si Simon.
So it means hindi nahalata ni Yassi ang mga ikinikilos ng kuya nya.

"Haizzt! I can see it in his eyes. He likes you as much as I do. And he doesn't even know na tayo na." 

Hinawakan ni Yassi ang palad ng kanyang kasintahan.

"Gusto mo bang malaman na nya? About sa relationship natin?"

Hindi nakasagot si Simon.

"Nag-usap na tayo about our set up, di ba? Wag muna nating ipaalam kahit kanino. Give me enough time please. I am not only protecting my self, I am protecting you also." mahinahong paliwanag ng dalaga.

Kung sana hindi isang Marcos ang boyfriend nya, ipasisigawan nya sa buong mundo.

"Okay. Promise me one thing. You have to tell Kuya about us if in case he'll try to confess his feelings to you. Ayokong paasahin mo sya dahil ayoko rin naman syang masaktan."

"Of course naman. So, okay na?"

Tumango si Simon.

Niyakap nya si Yassi ng mahigpit.

Napangiti ang dalaga.

Napakasweet ni Simon.

She patted Simon's back.

"I love you." said Simon.

"I love you too." she replied.

Sa supermarket ng isang kilalang department store sila tumungo.

"Mukhang di ka sanay mag-grocery." bulong ng dalaga sa kanyang boyfriend.

Napakamot sa kanyang ulo si Simon.

Hirap itong itulak ang push cart kaya nakaalalay ito sa binata.

Ang mga bodyguards ni Simon ay nasa paligid lang.

Habang umiikot sa supermarket, napansin ni Yassi ang ilang mga babae na sunod ng sunod sa kanila. Nginitian nya ang mga ito.

Napadaan sila sa shelf ng mga chocolates. Nanlaki ang mga mata ni Yassi nang pagdadamputin ni Simon ang iba't ibang klase ng chocolates.

"Wala yan sa listahan." bulong nya dito.

"I know. But I wanna buy these for you." nakangiting saad ng binata.

"Ang dami nyan."

"Bigyan mo na lang sila Manang, okay?"

Hindi na nakaangal pa si Yassi.

Napatingin si Yassi sa mga babaeng nakasunod sa kanila. Alam nyang lihim na kinukuhanan ng mga ito ng pictures si Simon. Halata naman dahil nakatutok ang mga cellphone ng mga ito sa binata.

Hindi nya alam kung matutuwa sya o maiinis.

Magkatuwang nilang itinulak ni Simon ang pushcart. Nadaanan nila ang mga babae.

"Jowa ata bhe."

Narinig ni Yassi na bulong ng isang babae sa katabi.

Hindi naman ito pansin ni Simon.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon