Chapter 22

537 44 6
                                    

They had conversation while sipping their milk.

Nangingiti si Yassi sa mga kwento ng binata tungkol sa mga masasayang karanasan nilang magkakapatid sa bahay-bakasyunan nila sa Baguio.

Madalas daw na naroon sila kapag summer, Christmas and New Year.

"Tomorrow, we're going to roam around." anang binata.

Kumislap ang mga mata ni Yassi.

Actually it is her first time na makarating sa Baguio kaya thankful sya na dinala sya roon ni Simon.

They were now on their room.

"Maybe I could sleep now." nakangiting sabi ni Simon.

"Sana nga Sir--- este Si! Kelangan mo nang magpahinga aba almost 5 hours kang nagdrive." sabi ni Yassi.

"I do it occassionally. Magdrive ng malayo, and without my bodyguards."

"So ngayon napagtripan mong bumiyahe?" pang-aasar ng dalaga.

Tumawa si Simon.

"I want to do it frequently. Kasama ka."

What? Ano daw?

Bago pa man maproseso ng isip nya ang sinabi ng kanyang boss ay mabilis nang nagpaalam si Simon.

"Sleep now, goodnight."

And he kissed her again. Same spot. Sa tuktok ng kanyang ulo.

She cursed.

Bakit ganoon ang nararamdaman nya? Parang ang saya saya yata nya?





"Nanang tulungan ko na po kayo dyan."

Maagang gumising si Yassi kinabukasan. Nahihiya syang si Simon pa ang manggising sa kanya kaya nag-set sya ng alarm.

"Hala sige." nakangiting sabi ng matanda.

Habang nasa kusina ay panay ang kwento ng matandang babae.

"Kaibigan ka ba ni Sir Simon?" biglang tanong nito.

"Personal Assistant po nya ako. Masasabi ko na rin pong kaibigan ko sya." tugon ng dalaga.

Tumango-tango si Nanang Myrna.

"Ngayon lang kasi nagdala ng kaibigang babae si Simon dito sa resthouse nila. Ang madalas magdala ng mga bisita rito ay si Sir Sandro."

Napatingin si Yassi sa matanda.

Ngumiti ito sa kanya.

"Akala namin kasintahan ka ni Sir Simon."

Napaubo si Yassi sa sinabing yun ni Nanang Myrna.

"Ay hindi po. Magkaibigan po kami."

Gusto pa sanang mag-Marites ni  Yassi ngunit nakahiyaan na rin nyang magtanong.

Dumating si Tatang Ed mula sa pamamalengke.

"Narito na ang paborito ni Sir Simon." sabi nito kay Manang Myrna.

"Dinamihan mo ba? Para makatikim din itong si... Ano nga bang pangalan mo ineng?"

"Yassi po."

"O itong si Yassi." ani Nanang Myrna.

"Ay aba oo naman." sagot naman ni Tatang Ed.

Patapos na sa pagluluto si Nanang Myrna nang bumaba si Simon.

Nakaplaster ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata.

"Good morning po." bati nito sa mag-asawang katiwala nila.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon