Chapter 23

513 32 3
                                    

"Sir---"

Kumunot ang noo ni Simon nang tawagin syang Sir ni Yassi.

"How can I say this..." nahihirapang sabihin ni Yassi ang nasasaloob. Sa totoo lang ayaw nyang tawagin sa first name si Simon kapag nasa loob sila ng mansion at may makakarinig.

"Hindi ko kayang tawagin ka sa first name mo kapag may ibang tao..." nakayuko ang ulo na sabi ng dalaga.

Bumuntong-hininga si Simon. Naiintindihan naman nya ito.

"Fine. You can call me Sir kapag may kaharap tayong ibang tao. Just don't forget to call me Simon or Si when there's no one around us. Is that clear?"

Napilitang tumango ang dalaga.

Lumapit si Simon kay Yassi.

"Pahinga ka na muna. Ipatawag na kita kapag kakain na tayo."

Pinisi ni Simon ang tungki ng ilong ni Yassi.

Ngumisi ito bago humakbang papunta sa kanyang silid.

"Wait Sir!" tawag ni Yassi dito.

Mabilis na lumapit ang dalaga at kinurot ang pisngi ni Simon.

"Ang cute mo!" sabi nya at patakbong pumasok sa kanyang silid.

Naiwang natatawa ang binata.

Habol habol ang hininga ni Yassi nang makapasok sa loob.

𝘘𝘶𝘪𝘵𝘴! Natatawa nyang sabi sa sarili.

Hindi pwedeng sya lang ang tinu-torture ni Simon.

Napangiti sya sa naisip nyang kapilyahan kanina. Sana naman hindi nagalit sa kanya si Simon.

Kasalukuyang nagtatanghalian sina Simon at Yassi nang tumunog ang cellphone ng binata.

"Hello!"

"Simon, Dr. Peralta here. Andito ako sa unit ni Congressman. I called up to say that he's sick pero ayaw nyang padala sa hospital. I guess he needs someone to look at him."
Their family doctor called up.

"How's Kuya Sandro?"

"He's resting at the moment. I already gave him medicines to take. He has cough and fever."

"Okay Doc thanks for calling me. I'll be there ASAP."

"Okay."

End call.

Nakuha ni Yassi ang pag-uusap nina Simon at noong doktor na tumawag.

"Okay lang po ba si Sir Sandro?" nag-aalalang tanong ng dalaga.

"He needs someone to look at him. Nag-iisa kasi sya sa kanyang unit." malungkot na sagot ng binata.

"Sir ako na lang po ang magbabantay kay Sir."

Napatitig si Simon sa dalaga.

"Pwede po ba akong mag-leave sa work? I mean,wala naman po akong importanteng aasikasuhin next week, baka pwedeng dun muna ako kay Sir Sandro."

Nilakasan lang ni Yassi ang loob na sabihin yun. Oo, nag-aalala sya kay Sandro. Napakabait nito sa kanya. Hinding hindi nya makakalimutan na naging scholar sya nito.

"Pack your things. We'll stay there."

Nabuhayan ng loob si Yassi sa sinabi ng kanyang boss.

Pagkatapos kumain ay agad na silang naghanda para pumunta sa condo ni Sandro.

Dumaan muna sila sa supermarket para makabili ng mga kakailanganing stocks ng pagkain na dadalhin.

Nagulat pa si Sandro nang dumating ang dalawa.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon