Chapter 30

539 23 3
                                    

Nang mga oras na yun, pakiramdam ng dalaga nasa kabilang dimension sya ng mundo at sila lamang ni Simon ang naroon.

Kapwa sila humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Bagamat namumula ang mga pisngi nagawa pa ring salubungin ni Yassi ang titig ng nobyo.

"You're blushing." bulong ni Simon.

Kinurot niya ang binata dahil sa pahiwatig nitong panunukso.

Tumawa si Simon.

"Sorry. I didn't mean to tease you. Thank you my love. I wish I could kiss you like that everyday."

𝘗𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯..

Napakagat-labi si Yassi sa sinabi ng isip nya.

𝘚𝘩𝘪𝘵, 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘶𝘱𝘰𝘬 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰...

"What's this?" nakakunot ang noo ni Simon nang iabot ni Yassi ang isang papel.

Kasalukuyan silang nasa opisina nang oras na yun.

Tipid na ngiti ang iginanti ni Yassi.

Binasa ni Simon ang nilalaman ng sulat.

"No!" Nagulat pa si Yassi sa padarag na salita ng binata.

At nakita nya ang hinanakit sa mukha ng binata nang harapin sya nito.

"Why Yassi? All of a sudden you're going to resign? Why?" bumalandra ang naghihinanakit na mukha ni Simon.

"Wait mahal ko, let me explain. Hindi naman yan agad agad."

Matiim na titig ang isinalubong ni Simon kay Yassi.

"I thought mas makakabuti kung mawawala ako sa poder mo. Mas makakakilos tayo ng maayos. No employee-employer relationship. Less visible tayo sa mga tao pero we can act normally when we're together. And... kapag stable na ako sa magiging work ko, I guess baka pwede ko nang aminin kina Nanay na.. na tayo na. Dahil hindi na kita boss. Don't you think that isn't good?"

Napabuntonghininga si Simon nang mailahad ni Yassi ang nasasaloob.

"But how can I deal a day that you're no longer at my side?" malungkot na sabi ng binata.

Kinuha ni Yassi ang kanang palad ni Simon.

"Kaya mo 'yan. Ano ka ba."

"Mag-iisang taon ka pa lang sa akin, iiwanan mo agad ako?"

"Ang drama mo mahal ko. This is for us. Sige na payagan mo na ako."

"But you're gonna leave me. Saan ka magwowork nyan?"

"Maghahanap na ako next week. Don't worry. 1 month mo pa akong makakasama."

"What? That's too fast!" gulat na sabi ni Simon.

"Grabe ang reaction."

Tumayo si Simon sa kinauupuan.

"Let's talk. Bring your things." seryosong sabi nito.

Nagulat man kinuha ni Yassi ang kanyang bag sa kanyang upuan.

Nagtatakang nakatingin si Jackie sa dalawa. Kita nya ang lukot na mukha ng kanyang boss.

"You can go home now Jackie."

Napatingin ang dalaga sa kanyang relo. It's almost 4PM pa lang pero pinapauwi na sya.

Nagkatinginan sila ni Yassi. Tumango lang ang dalaga.

"S-saan tayo pupunta?" lakas loob na tanong ni Yassi nang makasakay sila sa sasakyan ni Simon.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon