Chapter 11

577 24 4
                                    

I forgot to give this to you... I bought that after my meeting with Mr. Guzman. But apparently, nanggaling na kayo ni Lance sa cafeteria so I didn't give it to you thinking na busog ka pa. Pakitapon na lang baka panis na."

Sumilay ang mga ngiti sa labi ni Yassi nang abutin nya ang dala ni Simon.

"Hindi pa naman siguro ito sira. Ipaghahain na kita Sir at sabay na tayong kumain ha. Si Sir Sandro po maagang natulog."

Simon just nodded.
Then he smiled widely nang makatalikod na si Yassi.
Hinintay pa talaga sya ng dalaga para pagsilbihan.

Sumaya sya at nawala nang tuluyan ang pangit na nararamdaman.

Kumain sila nang sabay. Nag-usap din naman tungkol sa trabaho.

Ipinagtabuyan na ni Yassi ang kanyang boss matapos kumain. Aniya, iwanan na sya sa kusina dahil magliligpit pa sya. Ngunit matiyaga sya nitong hinintay.

Sabay na silang umakyat sa taas.

Nang makarating sa tapat ng kanyang silid si Simon ay nagpaalam na ito sa dalaga.

"Goodnight Yassi."

"Goodnight po Sir. Matulog ka na po ha."

"Yes I will. You too!"

They smiled at each other sweetly.

Halos sabay pa silang pumasok sa pinto ng kanilang mga silid.

Sumampa sa kanyang kama si Yassi at niyakap ang isang unan.

"Hindi na sya galit," sabi nya sa sarili.

Naapektuhan talaga sya sa ikinilos ng kanyang boss sa opisina. Pero mukhang ayos na ang mood nito.

Saturday...

Nagpaalam si Yassi sa kanyang boss para magpadala ng pera sa kanyang nanay. Kalahati ng sahod nya ay ipinadala nya sa probinsya.
Bagama't natuwa ang Nanay nya ay nag-alala naman ito na baka wala nang natira para sa anak.

"Nay wag po kayong mag-alala sa akin. Wala po akong ginagastos dito. Libre po ako sa lahat ng bagay. Tumigil na po kayo sa pagtitinda ng kakanin ah. Pumirmi na po kayo dyan sa bahay. Kung pwede nga lang pati si Lola wag nang magtrabaho kina Don Fernan eh..."

"Hay naku anak. Hindi mo basta mapapaalis ang lola mo sa mga Marcos. Naroon ang loyalty ng lola mo. Saka katwiran nun di naman mabigat ang trabaho nya dahil pautos utos lang din sya sa mga kasambahay."

Tama ang nanay nya. Ilang dekada na ang lola nya sa pamilya ng boss nya. Napamahal na ito sa mga iyon.

Matapos kausapin ang ina ay nagpaalam na si Yassi. Isinuksok na nya ang kanyang cellphone sa dala nyang sling bag. Nagpasama sya kay Manong Nestor sa pagbili ng cake at ice cream.

Pagkatapos ng tanghalian ay nagsimula nang magluto ang dalaga. Sa tulong nina Manang Belen at Sonia nakapagluto sya nang matiwasay. Mabuti na lamang at nagkulong si Simon sa library.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Sandro nang mapagawi sa kusina. Kasalukuyan kasing inaayos nina Manang Belen ang mesa para sa meryenda.

"Sir Sandro wag ka pong maingay ha! Surprise po ito ni Yassi kay Sir Simon. Parang pasalamat daw nya kay Sir." bulong ni Sonia sa binata.

Napatingin naman ang binata kay Yassi.

Nahihiya namang ngumiti ang dalaga.

"Wow sana all!" biro naman ni Sandro.

Napangiti tuloy si Yassi.

"Maliligo lang po ako Sir tapos tatawagin ko na po si Sir Simon. Malapit na kasing mag-3PM. Sabay-sabay na po tayong magmeryenda pagkababa ko po." paalam niya.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon