CHAPTER 117:

1.4K 39 15
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 117:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Magandang umaga sa inyong lahat 2nd years, I'm expecting all of you ay magkakilala na. Tama ba?" Nakangiting tanong ni Prof. Yuki sa kanila.

Samantala si Hanamichi ay napangiwi sa unang bungad niya bilang 2nd year college student.

Gumraduate na sina Yuki at Zakusa bilang P.E Teacher at ang unang school na tuturuan nila ay ang mismong unibersidad nila bilang mga instructor. At ang mas malala pa dito ay...

Tiningnan ni Hanamichi si Kiyota ng masama habang ito ay seryosong nakikinig sa propesor.

"Bakit ko ba naging kaklase ang Matsing na'to?" Mahinang tanong ni Hanamichi.

Tumawa naman si Mito na nakaupo sa tabi niya.

"Paki-alala lang na nasa 2nd year section 11 tayo ngayon, Hanamichi. Si Kiyota ay section 11 din nung 1st year at tayo ay sa section 10. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kahit gunggong yang Matsing na yan ay matalino pala." Nakangiting sabi ni Mito.

"Matalino lang siya pero isa akong HENYO! Kung tutuusin dapat nasa section 12 ako o hindi kaya sa section 20 o 100 pa yan! Basta yung section na nababagay sa Henyong ito! Pag lowclass lang itong section 11---" hindi pa man natapos ang sasabihin ni Hanamichi nang hagisan siya ni Yuki ng eraser.

*POK!*

"NAKIKINIG KABA, SAKURAGI?!" lintya ni Yuki.

Magrereak sana si Hanamichi sa ginawa niya kaso hindi tinuloy. Naalala niyang, isa na palang Instructor si Yuki at ang malala pa ay Adviser nila.

"Grrrrr..." Hanamichi

"Again... I am Saihetei Yuki, a fresh graduate instructor. Ito ang unang beses na maghahandle ako ng class. And also... Ako ang Basketball Adviser ng Tokyo Black Samuraiz Team." Pakilala ulit niya.
"Since... It's your first day naman, I'm pretty sure na maraming freshmens ang nag enroll ngayon dito sa University at wala pang mga clubs. Total puro naman kayo mga sporty dito, maaga ang dismissal niyo at para ma-intertain niyo sila."

"Wow!"

"Ayos!"

"Niceeeee!"

"Sige, yun lang. Good luck sa inyo sophomores!" Paalam ni Yuki sa kanila at naglakad ito palabas.

Sakto namang tumunog ang bell nila.

(Ringing...)

Tumayo si Mito at si Hanamichi.

"Tara na Mito." Sabi at lalakad na sana siya nang magsalita si Kiyota na nasa kanilang likuran.

"Sa gymnasium ang tungo niyo?" Pormal nitong tanong sa kanila.

Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi sa ugali ni Kiyota.

"Hindi ba halata?" Masungit na tanong ni Hanamichi.

"Tssk." Kiyota

"Nobunaga! Kita kits na lang tayo mamaya!" Paalam nung isa kaklase nila.

Kumaway pabalik si Kiyota at tumango.

"Oo nga pala. Ang basketball team pala natin ang number 1. Congrats ulit sa inyong dalawa." Sabi ng isang babae sa kanila.

Ngumiti si Kiyota si Kiyota sa kanya samantala si Hanamichi ay kinamot lang ang ulo.

"Hehehehe, salamat sa HENYONG katulad ko!" Singit ni Hanamichi.

"Galingan niyo sa Intercollegiate ah? Sige mauna na ako, baka may mga first years na sasali sa gymnastic club namin." Paalam nito.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now