CHAPTER 169: TOKYO vs. PARIS (France)

488 43 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 169: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-4th quarter| 8 mins. 29 sec|
Paris Team: 65 | Tokyo Team: 70]

Dahil sa sunod-sunod na puntos ng Tokyo Team ay pumito ang Referee na ikinatingin nila at nagtaka kung para saan yun.

"SUBSTITUTION! PARIS VERT SERPENTS!" Anunsyo ng Referee.

Nagbulungan naman ang audience area ng Paris dahil dun. Sino naman kaya ang ipapasok sa court at maging kapalit sa isa sa mga ito?

Natigilan si Hanamichi kung sino ang player na muling babalik sa court.

Ang Japanese-French player ng Paris team na si Segal Sylvestre o Segaru Midoriyama Sylvestre.

Napaisip sina Hanamichi kung sinong player ang kanyang papalitan.

Nakasunod ang kanilang mga tingin kay Sylvestre na palapit kay Ozanne.

"Tawag ka ni Coach, Pascal." Sabi sa kanya ni Sylvestre.

Tumango naman si Ozanne at bago ito naglakad paalis ay tinapik niya muna ang balikat ni Sylvestre saka ito lumabas.

Ngayon, nagbago na ang line-up ng Paris Team. Ang kasalukuyang myembro ngayon ay sina Solevenn, Sauveterre, Marshall, Cadieux at Sylvestre. Apat na 2 meter players at isang 189 centimeter laban sa Tokyo Team na may tatlong 2 meter player at dalawang 190+ centimeters.

Muling pumito ang Referee, kailangan nang tapusin ng laban sa loob ng natitirang walong minuto.

Hawak ng Paris Team ang bola. Lamang ng limang minuto ang Tokyo Team, kailangan nila itong habulin at lamangan. Pinatalbog ni Cadieux ang bola habang palapit kay Sylvestre.

"Ang tagal mong pinabalik." Sabi sa kanya ni Cadieux.

"Nasa kumplikadong sitwasyon na daw ang team. Kailangan na ng back-up kaya pinabalik ako." Sagot ni Sylvestre.

"Kung ganun, ikaw na ang bahala sa isang unggoy na kasama ni Sakuragi, Segal." Task sa kanya ni Cadieux na ang tinutukoy ay si Kiyota.

"Game, imaintain mo si Sakuragi, Cadis. Delikado ang team kapag nag duo attack ulit ang dalawang yan." Sagot ni Sylvestre at naunang tumakbo.

Nagsikilos din ang iba pa nilang kasamahan.

Mabilis ang pagdidribol ni Cadieux, mula sa area ng Tokyo Team at palabas nito. Pagkalagpas niya sa linya ng division line nila ay binounce pass niya ang bola kay Sylvestre na nasa left side outer area court ng Paris.

*PASS!*

Sa ilalim naman ng kanilang ring ay nandoon na agad si Solevenn. Pagkasalo ni Sylvestre ay agad niyang inairpass kay Marshall na nasa point guard at mabilis itong nag shoot.

*Shooting...*

*PAKK!*

Nagulat si Marshall nang sumulpot sa harapan niya si Sendoh at natamaan ang bola. Pagkababa nito ay kukunin na sana niya ang bola nang madakma agad yun ni Cadieux na nakasunod lang pala sa kanya saka finollow-up sa gawi ni Solevenn malapit sa ring.

Nakita ni Hanamichi ang ginawa niya kaya mabilis itong tumungo doon at akmang tatalon nang harangan siya ni Sauveterre.

"Matsing!" Tawag ni Hanamichi kay Kiyota.

"Eto na!" Sagot ni Kiyota habang tumatakbo.

"PIGILAN NIYO ANG DALAWA YAN! HUWAG NIYO SILANG HAYAAN NA MAGSAMA ULIT!" sigaw ni Coach Vilgauxe mula sa kanyang coaching area.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now