CHAPTER 172:

720 39 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 172:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan...

Nagligpit na ng mga kagamitan ang mga players upang paghandaan ang pag-alis pagkabukas. May dalawang araw silang pahinga at ito ang kanilang una.

Kagabi ay nilibre nina Sylvestre at Solevenn sina Hanamichi nung nalaman nila na naiwan pala nito pareho yung mga pitaka nila at walang kahit singkong french francs na dala. Parehong nagpasalamat ang magkasintahan na sina Hanamichi at Haruko sa kanila.

Mag-aala una na ng tanghali nang nasa likod sila ng hotel na kanilang pansamantalang pahingahan. Sa likod nito ay may pool at jakusi para sa kanilang summer rest. Ang ibang players ay naliligo sa pool samantala sina Haruko at Mari ay nakaupo lang sa kanilang mga upuan habang pinapanood ang kanilang team.

Si Hanamichi at Kiyota ay nagbabangayan sa pool at sinusubukang lunurin ang isa sa kanila.

"Hoy mga bata kayo, baka malunod kayo!" Saway sa kanila ni Coach Kawarama pero patuloy parin ang dalawa sa bangayan.

"Oh bakit? Kasalanan ko bang tanga ka Unggoy?"

"Bibig mo, matsing ka! Porket nakalimutan ko lang tanga na agad?!"

"Eh ano pa ba ang tawag dun?"

"Forgotten!"

"Gunggong ka ngang Unggoy ka! English mo mali-mali!"

At nagpatuloy ulit sila sa bangayan.

Samantala si Coach Zakusa ay nanonood lang sa kanila habang nakatayo sa gilid ng pool habang umiinom ng vodka. Nakasuot ito ng tropical clothes at nakaipit na ponytail ang buhok nito. Kasama niya sina Maki, Jin, Fujima, Sendoh at Hanagata na umiinom  ng hard wine.

"Huyyy wag kayong sumubra sa pag-inom may laro pa kayo sa makalawa." Suway sa kanila ng Coach.

"Hayaan mo na kami, Zakusa. Matagal pa yung makalawa." Sagot ni Sendoh at uminom ulit.

Samantala si Maki ay napatingin sa suot na kwintas na nasa leeg ni Zakusa. Ngayon niya lang nakita ito o baka naman nakatago lang ito palagi sa suot nitong damit. Tinitigan ni Maki ang pendant, isang maliit na Eiffel tower na silver.

"Ganda ng kwintas mo. Bago ba yan?" Biglang tanong ni Maki sa kanya.

Napatingin si Fujima at Sendoh sa kwintas ni Zakusa.

Ngumiti ito sa kanila at binalik sa loob ng damit ang kwintas. "Yes, bago 'to. I buy this necklace last night dun sa jewelry store dito sa Paris."

"Magkano ang bili mo?" Tanong ni Jin.

"Well, not too much expensive pero napakasentimental nito." Sagot muli ni Zakusa.

"Kanino?" Sendoh

Hindi agad nakasagot si Zakusa, nakapamot na lang siya sa pisngi niya.

"Sekret." Ngumisi ito.

Samantala si Haruko ay napatingin sa phone ni Hanamichi nang magring ito. At nabasa niya sa dialer na si Sylvestre pala ang tumawag. Kinuha niya ito at tinawag si Hanamichi.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now