CHAPTER 144: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

605 44 22
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 144: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

11 minutes na lang at magtatapos na ang 3rd quarter sa 2nd half. At ang kasalukuyang score ng bawat kuponan ay 41 points para sa Al Balqa Team at 57 points para sa Tokyo Team. Lamang parin ang Tokyo Team ng 16 points kumpara sa puntos ng Al Balqa.

Magaan parin ang atmosperika ng Tokyo Audience dahil malaki ang lamang ng Tokyo Team at kunti na lang ang oras. Nagdadasal sila na sana hindi makahabol ang Al Balqa.

Samantala si Hanamichi at at Al Hourani ay parehong matalim ang tingin sa isa't-isa na animo'y isang sparring ang magaganap pero ang totoo ay basketball lang. Hinanda ni Hanamichi ang kanyang sarili. Kutob niya ang mga galawan ni Al Hourani ay baka kasing dahas ni Hiroshi Morishige na aararuhin ang mga kalabang players.

Ang Al Balqa Team ang gumawa ng huling puntos. Kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Hawak yun ni Sendoh at pinatalbog ito. Tumungo naman si Hanamichi sa kanila at pumwesto. Parehong nakaharap ng Tokyo Players sa Al Balqa na nakadepensa sa half court ng Tokyo Team. Napaisip si Sendoh habang nakatingin sa kanilang formation.

"Panibagong taktika na naman ang ating gagawin at isa sa atin ang magsasakripisyo para bantayan ang agressive player ng Al Balqa na si Al Hourani." Sabi ni Sendoh sa kanila.

"Huwag niyo nang alalahanin yan. Kaming dalawa ni Al Hourani ang magtutuos hanggang sa matapos ang laro. Hanagata at Dos, wag na wag kayong lalapit kay Al Hourani sa pagkakataong ito. Kung siya man mismo ang lalapit sa inyo ay gagawin ko ang lahat ng paraan para mapigilan siya." Sabi ni Hanamichi sa kanila habang seryosong nakatingin sa kanya.

Tiningnan naman siya ni Maki. "Alam namin na dyan ka maaasahan, Sakuragi. Madami ka nang nakalaban na mabagsik na mga centro kaya sigurado akong mahahandle mo si Al Hourani."

"Oo, Lolo. Ako pa!" Ngumisi si Hanamichi.

Pumito ang Referee.

"Kami nang bahala sa puntos." Sabi ni Sendoh at walang pasabing dinribol agad ang bola.

(Dribbling...)

"GALINGAN NIYO TEAM! 11 MINUTES NA LANG!" Cheer ni Mari sa kanila.

"Depensahan sila!" Sigaw din ni Coach Al Sharafat.

Mabilis ang pagdidribol ni Sendoh hanggang sa makalabas siya sa half court ng Al Balqa. Pagkapasok niya sa division line ay nakahelera ang Al Balqa players sa sakop ng outer court ng Tokyo Team.

*Pass!*

Pinasa ni Sendoh ang bola kay Futatsu. Pagkasalo nito ay ngumisi si Al Hourani. Ito yung kambal nung isang centro na nagbantay sa kanya nung first half. Kailangan niyang makaganti. Tumakbo si Al Hourani sa gawi ni Futatsu habang may nakaipong pwersa sa mga braso nito. Balak niyang sikuhin si Futatsu para matanggal sa court. Target locked niya ang mga centro ng Tokyo Team para sigurado na ang kanilang panalo.

Pagkalapit ni Al Hourani kay Futatsu ay itinaas niya ang kanyang siko at itinama niya kay Futatsu.

Pero...

"Ano!" Nagulat si Al Hourani nang maiwasan yun ni Futatsu.

Nakatingin ng seryoso si Futatsu sa kanya at sa pagkakataong ito ay naipasa na ang bola kay Maki.

"Hindi maaari. Naiwasan niya." Bulong ni Al Hourani.

"Binabalak mo'kong injurihan? Sorry ka pardz dahil testado ko na yan." Agad tumakbo si Futatsu palayo sa kanya.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon