CHAPTER 188: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

504 41 5
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 188: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-4th quarter| 2 mins. 58 secs.|
Tokyo Team: 98 | Skopje Team: 85]

2 minutes at 58 seconds na lang ang natitira sa second-half at matatapos na ang laban at sa mga oras na ito ay 13 points ang lamang ng Tokyo Team kumpara sa puntos ng Skopje Team.

Ang apat na player na sina Maki, Jin, Sendoh at Fujima bilang mandirigma at gagawa ng importanteng kilos para sa kuponan at si Sakuragi naman ang taga suporta sa kanila.

"Sakuragi, konting minuto na lang. Ikaw ma ang bahala para maagaw mo ang bola sa ere. Sa amin mo na ipaubaya ang puntos." Sabi ni Maki sa kanya sabay hampas sa balikat ni Hanamichi.

"Oo, lolo." Sagot nito.

Ang bolang naipuntos ng Tokyo Team ay hawak ngayon ng Skopje. Sinimulan ni Bajrami ang opensa.

"HUWAG NIYONG BABAIN ANG PLAY ESTEEM NIYO! KUNG SUNOD-SUNOD AMG TRES NATIN SIGURADONG MAKAKAHABOP TAYO!" sigaw ni Bajrami at walang pasabi na sinimulan ang opensa.

"Kung yun ay hahayaan namin kayo." Nakaismid na sabi ni Fujima saka hinabol si Bajrami.

(Dribbling...)

"Ivanova!" pasa ni Bajrami sa bola.

Natanggap yun ni Ivanova at pinagpatuloy ang pagdidribol patungo sa Point-guard area.

Pagkarating niya dun ay biglang sumulpot sa harapan niya si Maki na agad siyang napahinto.

"Maki..." sambit niya.

"Hindi ka makakalusot." sagot nito habang dumedepensa.

Parehong nakataas ang kamay ni Maki sa pangdedepensa kaya si Ivanova ay nahihirapang iwasan siya.

Ngumisi lang si Ivanova at pinasa niya ang bola kay Rajak.

"Salo!" Pinasa nito ang bola kay Rajak.

Pero...

*PAKK!*

Muli na namang sumulpot ang Speed steal ni Sendoh.

Nagulat sila dun dahil hindi nila inasahan na susulpot ito sa kanilang pagitan.

"Masyado kayong mabagal." Nakangising sabi ni Sendoh sa kanila at mabilis na binawi ang espasyo sa kanilang half court.

Mas lalong naghiyawan ng malakas ang mga manonood at ang oras bumababa na hanggang isang minuto.

"SKOPJE! PIGILAN NIYO SILAAAAAAAA!

PIGILAN SILA!

TALUNIN NIYO SILA SKOPJEEEEEEEE!"

"KAYA NIYO YAN TOKYO!

OPENSAAAAA!

PUNTOOOOOOOS!" cheer ng mga bangkong players.

Tumingin si Sendoh sa gilid niya at walang pasabing hinagis ang bola.

*PASS!*

Pagkasalo ni Fujima sa pasa ni Sendoh ay agad itong nagdribol papasok sa loob ng court ng Tokyo. Sumabay naman sa gawi nila si Nikolovski at Jin. Nagtinginan naman si Sendoh at Maki at nagcross over.

Patuloy parin sa pagdribol si Fujima habang nakasunod si Bajrami, pero laking gulat na lang nito ay wala na pala kay Fujima ang bola.

"Nawala ang bola! Anong nangyari?!" Bajrami

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now