CHAPTER 126: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

622 38 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 126: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nagtinginan parin si El Maghraby at Hanamichi. Samantala ang mga kasamahan nito ay nakatingin sa kanila.

Speaker: "Ipinapakilala ko rin sainyo ang mga Coaches. Mula sa Tokyo Black Samuraiz... Coach Ryueen Zakusa!..."

Tumayo si Coach Zakusa at yumuko sa lahat.

Speaker: "Mula sa Amman Al Balqa... Coach Elkader Al Sharafat."

Tumayo naman si Coach Al Sharafat at kumaway sa manonood.

Si Coach Elkader Al Sharafat ay isa sa tinataguriang mahusay na Coach sa Jordan College Teams. Ang pagiging number 1 team nila ay pangalawang na beses na. Naging numero uno sila dahil sa kanyang gabay at husay ng kanyang mga players.

Samantala si Coach Kawarama ay napabulong sa gilid. "Pssssh... Si Al Sharafat... Tinalo ko'to dati sa National Match nung naglaban ang Jordan at Japan."

"Goodluck sa laban natin. Pleased to play with you Sakuragi." Ngumiti si El Maghraby sa kanya.

Nagharap ang parehong first five. Ang referee ay nakatayo sa kanilang harapan at handa nang simulan ang laban. Lumapit ang dalawang Team Captain na sina Maki at Al Jayarat. Nagkamayan silang dalawa.

Nagpalakpakan naman ang manonood kasabay nun ang pagpito ng Referee. Nagpunta sa harapan ang mga Centro para sa jumpball na sina Al Hourani at Hitotsu.

"Uno, galingan mo." Sabi ni Hanamichi sa kanya at nag-apiran sila.

"Ako'ng bahala, Tol." Sagot nito.

Samantala ang mga kambal nito ay nakatingin ng seryoso sa court. Ang ibang seniors na kasama nila sa bangko ay nagtataka sa reaksyon nina Futatsu at Mittsu. Ibang-iba sa casual attitude nila na parang mga pusa.

Si Coach Zakusa ay nakaupo na sa kanyang Coaching box, sa gilid niya ay nakaupo si Mari at Haruko na parehong may hawak na bluebook.

"May data ba kayo sa kanila?" Tanong ni Coach Zakusa pero umiling sila.

"Pasensya na pero, wala. Ito ang unang beses na hindi ako nakalagap ng information nila." Sagot ni Mari.

"Mahihirapan tayo. Hindi natin alam kung ano-ano ang mga position ng kalaban." Sagot din ni Haruko.

Huminga ng malalim si Coach Zakusa. "Gandang bungad ah."

Pumwesto na sa court ang ibang players. Si Maki ay nakabantay sa kay Al Jayarat, si Sendoh kay Najjar, si Kiyota ay kay Jaradat, si Hitotsu naman kay Al Hourani at si Hanamichi kaharap si El Maghraby.

Tiningnan ni Hanamichi si El Maghraby. Mas matangkad pala 'to sa kanya. Hula niya ay matangkad lang 'to ng 4 centimeters.

"ABA! ANG LAKAS NG LOOB NUNG PULANG-BUHOK OH! SI EL MAGHRABY AGAD ANG BINANTAYAN!

WALA BA SIYANG ALAM? MVP YANG SI EL MAGHRABY!

OO NGA!

WALA YAN! TALO NA YAN!" sigaw ng mga toxic fans ng Al Balqa Team.

Nakaramdam ng hiya si El Maghraby sa mga sinigaw nila. Tiningnan niya si Hanamichi na nahihiya. "Pagpasensyahan mo na sila..."

"Okay lang, hindi yan ang unang beses na nakatagpo kami ng mga toxic supporters." Sagot ni Hanamichi.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora