CHAPTER 186: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

477 38 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 186: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-3rd quarter| 10 mins. 44 secs.|
Tokyo Team: 64 | Skopje Team: 68]

Hawak ni Sendoh ang bola pagkatapos itong maishoot ng Skopje. Pinatalbog niya ito saka dinribol. Sa harapan niya ay tumatakbo sina Maki, Hanamichi at Mittsu.

"Bilisan niyo pa!" Sigaw ni Sendoh saka hinagis ang bola.

*PASS!*

Nakuha yun ni Fujima at siya nagpatuloy sa pagdidribol.

"Pigilan niyo sila! Huwag niyo silang hayaan na makahabol!" Sigaw ni Coach Gedjuttel.

Sinalubong ni Bajrami si Fujima at nagharap. Pero gumawa ng fake dribble attack si Fujima saka inikutan si Bajrami sabay pasa ng bola kay Maki.

*PASS!*

Nakuha ni Maki ang bolang pinasa ni Fujima. Mabilis ang pagdidribol nito hanggang sa nakarating siya sa court ng Tokyo. Sa kanilang pagpasok ay mistula naging pader ang nakahandang depensa ng Skopje. Kumalat sa defense zone ng Skopje sina Hanamichi at Mittsu upang lusubin ang loob.

Hanggang sa tagumpay nga nila itong nagawa.

"Lolo!" Sigaw ni Hanamichi sabay tumalon ng mataas.

Napatingin naman ang mga center at forward players ng Skopje sa nakatalong si Hanamichi.

"Hindi maaari." Sambit nila.

"Pigilan niyo si Sakuragi!" Coach Gedjuttel

Nakita ni Maki na perpekto ang porma ni Hanamichi para dumakdak sa ring kaya hindi na ito nagdalawang isip na ipasa sa ating Henyo ang bola.

*PASS!*

May pwersang nilagay si Maki nang ihagis niya ang bola kay Hanamichi kaya matulin at straight ang direksyon nito na saktong dadapo sa palad ni Hanamichi.

*PAKK!*

*DUNKKKKKKKKKKK!*

"YAHOOOOOOOOO!

ALLEY HOOP!

SAKURAGI!" Cheer ng Tokyo Audience.

[2nd half-3rd quarter| 10 mins. 5 secs.|
Tokyo Team: 66 | Skopje Team: 68]

Pagkatapos maidakdak ni Hanamichi ang bola ay agad itong tumakbo palayo sa court ng Tokyo para maabangan at mababagan agad nila ang opensang gagawin ng Tokyo.

"Depensa Team! Depensa!" Sigaw ni Mari at Haruko

"Depensahan niyo! Malapit na mag 4th quarter!" Sigaw ng apat na ungas.

Si Rajak ang agad na kumuha sa bola at dinribol agad palabas ng area ng Tokyo Team. Nasa inner court pa lamang siya nang iover head pass niya ang bola sa naunang myembro na si Jovanovska.

*PASS!*

Pagkasalo ni Jovanovska na saktong nakarating sa outer area. Isang metro ang layo niya sa 3 point line at walang kahit anong alinlangan ang gumuhit sa mukha nito para pumuntos.

"Hindi." Maki

*SHOOT!*

Tagumpay na naishoot ni Jovanovska ang tres puntos niya na siyang ikinagiliw ng kanilang tagasuporta.

[2nd half-4th quarter| 9 mins. 51 secs.|
Tokyo Team: 66 | Skopje Team: 71]

"Lagot, ang Skopje Team ang lamang sa pagtatapos ng 3rd quarter." Sabi ni Mito.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now