CHAPTER 124:

733 44 16
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 124:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(KINABUKASAN...)

*** TOKYO INTERNATIONAL UNIVERSITY ***

Alas otso na ng umaga at ang lahat ay nakahanda na sa pag-alis. Kanya-kanyang mga bitbit sa kanilang mga bagahe maliban kay Haruko na bitbit ni Hanamichi.

Nagtipon na silang lahat pero ang mga mata ni Hanamichi ay parang may hinahanap.

"May hinahanap ka ata, Tol?" Tanong ni Hitotsu sa kanya.

"A-ahh... Oo. Yung Apat na Ungas ang hinahanap ko." Sagot niya.

"Ayy oo nga noh? Diba may apat ka pang tropa? Nasaan na sila?" Tanong rin ni Futatsu.

"Ewan ko sa apat na yun. Hindi nga umuwi ang mga iyon sa dorm namin kagabi eh. Mag-isa lang ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila ngayon." Naging masungit ang mukha ni Hanamichi ng sabihin niya yun.

"Hindi kaya... May ginagawa silang hindi kaaya-aya? Ano sa tingin mo Sakuragi?" Tanong ni Mittsu sa kanya.

Para siyang sira ulo sa sinabi niya pero napaisip si Hanamichi. What if nga ganun?

What if nga ganun? May record ang apat na ungas para sa magiging flight tickets nila sa araw na'to. How come na nagkaroon sila ng pera na pambili nun?

Nagbebenta ba sila ng mga ipinagbabawal na drugs? Nakikipag transaction sa mga sindikato para magkapera? Tauhan naba silang apat sa isang Yakuza para magkasahod ng malaki? Total mga basag-ulo naman silang apat.

Para nang mabubuang si Hanamichi sa iniisip niya. "Imposibleng ganun yun... Hindi sila ganung tao..." Ginulo niya ang kanyang buhok. "Whaaaaaaaaaahhhh!" Biglang sigaw niya na ikinatingin ng lahat.

"Sakuragi, bakit?" Tarantang tanong ni Haruko at nilapitan siya. "Anong nangyari sayo? Bakit ka sumigaw?"

"Nasaan na ba kase ang apat na mokong na yon?! Tatlong araw na silang ganito!" Parang maiiyak si Hanamichi dahil hindi siya sanay na wala ang apat.

Si Haruko ang kasintahan ni Hanamichi, pero ang presensya ng kanyang mga kaibigan ang mas nakasanayan niya. Okay lang na hindi sasama ang apat basta, kahit konting pag-uusap lang naman o atlis mensahe man lang bago siya aalis.

"AAAAAAHHHHH SANDALI! HINTAY!"

"SASAMA KAMI! SASAMA KAMI!"

"HANAMICHI!"

"HANAMICHI!"

Agad umangat ang ulo ni Hanamichi nang marinig niya ang mga sigaw na yun. Tiningnan niya ang mga yun at nilapitan.

"Hooooo~ salamat naman at nakahabol pa kami, Hanami---" hindi natuloy ang sasabihin ni Mito headbuttin siya ni Hanamichi.

*BLAG!*

Ganun din ang tatlong extra.

*BLAG!*

*BLAG!*

*BLAG!*

"A-arayyy..." Daing nila sa sakit. "Para saan yun Hanamich?!" Naiiyak nilang tanong.

"Nagtatanong pa kayo! Bakit wala kayo kagabi sa dorm? Halos tatlong araw na kayong nagiging antartica sakin!" Lintya ni Hanamichi sa kanila. "Ano bang ginagawa niyo? Umamin nga kayo sakin, miyembro na kayo ng mga itim na organisasyon dito sa Japan noh?" Sunod-sunod niyang tanong sa apat.

Tumaas ang mga kilay nila.

"Ano bang sinasabi mo diyan, Hanamichi?" Takang tanong ni Mito.

"Kami? Miyembro ng Yakuza?" Takamiya

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon