CHAPTER 135: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

679 41 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 135: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang ibang manonood ay pinag-usapan parin ang nangyari kay Khader. Pumito ulit ang Referee. Kailangan nang ituloy ang laro dahil nasasayang ang oras.

Ang bola ay nanatili parin sa kamay ng Tokyo Team.

Hawak yun ni Sendoh at agad pinasa kay Maki na nasa shooting guard area.

*Pass!*

*Shoot!*

Naghiyawan na naman ang Tokyo Audiences.

"Ayos! Tres!" Sigaw ni Mari at dinagdagan ang record ni Maki.

Nag-apiran si Maki at Sendoh.

Ang 24 points ng Tokyo Team ay naging 27 points na. Lamang sila ng 7 points sa puntos ng Al Balqa Team na 20 points.

Pagkatapos maishoot ang bola ay dinakma agad yun ni El Maghraby at hinagis kay Khader. Konting minuto na lang sa 1st half. Wala na silang sasayangin na oras.

8 minutes and 30 seconds na lang.

Dinribol ni Khader ang bola palabas sa half court ng Tokyo Team at pinasa yun kay Najjar na nasa kanyang unahan. Al Hourani at Al Jayarat naman ay nakababag sa rebounding area ng Al Balqa Team para hintayin ang pasa.

Sina Hanamichi at ang iba pa ay ginamit ang man to man defense para mapigilan ang opensa ng Al Balqa.

Si Najjar ay nasa free throw area at saktong libre.

"Pumuntos ka!" Sigaw ni Coach Al Sharafat.

Tinira ni Najjar ang bola.

(Shooting...)

*Pak!*

Gulat na napatigin si Najjar sa pumalpal sa kanya mula sa likuran.

"Maki." Tanging sambit nito.

Ang bola ay tumalbog sa sahig pero agad yung dinakma ulit ni Khader at dinribol palabas ng outer area. Nakasunod sa kanya si Hanamichi.

Pagkarating ni Hanamichi sa kanyang harapan ay naalala na naman ni Khader ang kahihiyang nangyari sa kanya. Kailangan niyang makaganti kay Hanamichi.

Parehong nakataas ang kamay ni Hanamichi para depensahan siya. Pero tumalon lang si Khader.

Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi. "Na naman?"

"FADE AWAY SHOT NA NAMAN!" sigaw ni Rofia.

Shinoot ni Khader ang bola.

*Shoot!*

Naghiyawan ang Al Balqa Audience.

"AYOOOS KA TALAGA KHADER!

FADE AWAY!

ISA PA! TAMBANGAN NIYO ANG TOKYO TEAM!" sigawan nila.

Ang 20 points ng Al Balqa Team ay naging 23 points dahil sa outer area fade away shot ni Khader. Nakipag-apiran si Khader sa mga kasamahan niya.

"Nice shot!" Puri ni Al Jayarat sa kanya.

"Salamat." Sagot nito at tumakbo paalis.

Pero bago siya makalayo ay tiningnan niya ulit si Hanamichi.

"???" Hanamichi

Inirapan siya ni Khader.

"Aba't---talagang... Tusukin ko yang mata mo eh!" Nanggigigil na sigaw ni Hanamichi sa kanya.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now