CHAPTER 159: TOKYO vs. PARIS (France)

534 47 8
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 159: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 11 mins. 58 sec|
Paris Team: 29 | Tokyo Team: 28 ]

Dumistansiya si Hanamichi kay Sendoh dahil sa pinagsasabi nito. Hindi makakilos ng maayos si Hanamichi dahil sa narinig nito. Sinuhestiyon ni Sendoh na posible maging point guard siya sa match na ito.

Tumakbo pabalik sa court ng Paris Team ng Tokyo Players para sa depensang gagawin laban sa opensa ng kalaban.

Hawak ni Marshall ng bola at pinatalbog ito. Segundong nalalapit na lang bago matapos ang unang kwarter ng first half, at medyo naaalanganin sila dahil isang punto lang ang lamang ng Tokyo Team sa kanila. Kapag nakapuntos ulit ito sa loob ng mga oras na iyon ay malaking issue para sa kanilang kuponan ang malamangan ng isang Dark Horse Team katulad ng kuponan ng Tokyo.

Mas maiging maingat sila sa mga player tulad nina Sendoh, Fujima at Sakuragi.

Nagsalita si Solevenn sa kanyang mga kasamahan. "Team, mag-ingt kayo kay Sendoh, Fujima at Sakuragi. Mabilis sila at huwag niyong alisin ang mga tingin niyo sa kanila. Maaaring makahabol sila sa kasalukuyang puntos natin." Paala-ala sa kanila ni Solevenn.

"Oo, Captain!" Magalang nilang sagot at sinimulan ang opensa.

Dinribol ni Marshall ang bola palabas ng inner court ng Tokyo Team. Sa outer area naman nito ay nadoon sina Sylvestre at Ozanne, binounce pass niya ang bola kay Ozanne. Pagkasalo ni Ozanne ay pinagpatuloy niya ang opensa. Habang nagdidribol siya ay nakaalarma siya kina Fujima at Sendoh na may fast hand interception.

Dahil sa mindset na iyon ni Ozanne ay may nakalimutan siyang isang player.

Isang player na sagisag at dalubhasa kaysa sa mga player na inaalarma niya.

Pagkapasok niya palang sa half court ng Paris Team ay ang kamay agad ni Maki ang sumalubong sa bola.

*PAKK!*

"What---"

Si Maki ang player na panandaliang nakalimutan ni Ozanne sa loob. Hindi niya namalayan ang presensya ni Maki kung kaya ay bigo niyang naopensa ang bola ng tuluyan para sa kanilang kuponan.

Ang bolang pinalpal ni Maki ay tumalbog sa sahig na saktong nakuha ni Hanamichi. Hindi makapaniwala ang ibang players ng Paris dahil agad nakarating sa gawing iyon si Hanamichi.

"Ang pulang buhok na iyan. Talaga nga bang Power Forward lang siya?" Tanong ni Coach Vilagauxe na may kuryusidad.

Ang kuponan ng Paris Vert Serpents ay walang mga data tungkol sa players ng Tokyo Black Samuraiz at sa mga specialization ng mga ito. Ang tanging alam nila ay sila ng numero unong kuponan ng Japan College Matches at tumalo sa kuponan ng Amman Al Balqa.

Mabilis na dinribol ni Hanamichi ng bola hanggang tagumpay niya itong nailabas mula sa half court ng Paris Team. Sa puntong nakalabas siya ay nahuli niya ang mga tingin ni Fujima, sa kabilang gawi naman ay si Sendoh. Ngumiti si Hanamichi sa kanyang isipan. Ang galaw ng dalawang gwardiya na ito ay umaapaw na. Si Maki naman sa kanya y tahimik na nag-aassist sa kanila at kanina pang hindi pumupuntos para sa kuponan.

Kahit hindi nito sabihin ay alam na ni Hanamichi ang mga kahulugan nito. Nagrereserba si Maki ng lakas at mas pinaghahandaan ang pangalawang half.

Pinasa ni Hanamichi ang bola kay Fujima.

Pagkasalo ni Fujima ay agad siyang binabagan ni Marshall, nilipat ni Fujima ang bola sa kanyang likuran at umabante saka tumakbo ng mabilis. Nagulat si Marshall nang makita niyang wala na pala sa kamay ni Fujima ang bola. Napalinga siya sa court kung kanino napunta iyon at nakita niyang dinribol na ni Sendoh.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now