CHAPTER 182: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

494 40 15
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 182: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 3 mins. 32 sec|
Tokyo Team: 47| Skopje Team: 40]

Hawak ni Ivanova ang bola at dinribol ito patungo sa court ng Skopje. Unang nakapasok si Ivanova bago ang kasamahan nito.

"Salo." Binounce pass niya ang bola sa gawi ni Jovanovska.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay dinribol niya ito patungong free throw area ng Skopje. Sa gawing iyon ay nakabantay si Hitotsu. Dahil si Hitotsu ang sasalubong kay Jovanovska, si Hanamichi naman ay napag-isipan na bantayan ang ilalim ng ring.

Nang makalapit si Jovanovska ay binall handling niya ang bola sa pagitan ng mga binti nito saka pinalusot patungo sa gawi ni Rajak na nasa Power Forward area.

*PASS!*

Natigilan si Hanamichi dun. Nadaya siya sa opensa ng Skopje. Hindi talaga si Jovanovska ang pupuntos, ang malala pa nito ay nasa ilalim siya ng ring at malayo sa gawi ni Rajak.

Nang makuha ni Rajak ang bola ay agad itong nagjumpshot.

*SHOOT!*

[1st half-2nd quarter| 2 mins. 42 sec|
Tokyo Team: 47| Skopje Team: 42]

"Okay! Balik sa depensa!" Sigaw ni Rajak saka tumakbo pabalik sa court ng Tokyo.

Ang bolang jinumpshot ni Rajak ay agad kinuha ni Hanamichi saka mabilis na hinagis paitaas.

"Kunin niyo!" Sigaw ni Bajrami.

Agad namang huminto si Jovanovska para abutin yun pero may nakauna na sa kanya.

*PAKK!*

"Maki!" Tanging sambit nito.

"Sendoh, salo!"

Sa saktong pag-abot ni Maki ay pinasa agad ang bola sa tumatakbong si Sendoh.

*PASS!*

"Okay." Sagot ni Sendoh at dinribol ang bola.

Sa unahan niya ay nakatayo sina Bajrami, Ivanova at Nikolovski. Nalalabuan si Sendoh. Mukhang hindi siya makakapuntos nito.

Nakarating sa small forward area si Sendoh na agad naman siyang binabagan ni Rajak.

"Si Rajak." Nagtaka si Sendoh kung bakit nasa kanyang harapan ang taong ito.

*PASS.*

"Pinasa niya." Sambit ni Rajak saka tiningnan kung sino yun.

Si Fujima.

"Wala yan!" Sigaw ni Bajrami na nasa harapan na agad ni Fujima.

Nagulat si Fujima dahil dun. "Grabe, ang bilis niya nakarating sa harapan ko." Sabi ni Fujima sa kanyang isipan.

At binack-pass ang bola sa nakatayong si Hanamichi sa may 3 point area.

Natigilan ang lahat ng Skopje Players at napatingin na lamang kay Hanamichi.

"Hawak niya." Sabi nilang lahat sa kanyang isipan.

"Pigilan niyo siya!" Sigaw ni Coach Gedjuttel.

"Huli na." Sagot ni Hanamichi saka tumira ng tres.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOOS!

HANAMICHI!

NAKA TRES NA NAMAN SIYA!

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon