CHAPTER 137: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

617 43 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 137: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

5 minutes na lang ang natitira sa first half. At ang kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay 26 para sa Al Balqa Team at 33 para sa Tokyo Team. Kanya-kanyang hiyawan ang mga manonood.

"AL BALQA!

AL BALQA!

AL BALQA!"

"TOKYOOOOOOOOO~

FIGHT OH!"

Parang mabibingi ang mga Media at ang nasa scoring table dahil sa lakas ng mga sigaw nila.

"Sige Tokyo! Lampasuhin niyo sila!" Masayang cheer ni Hikoichi sa kanila.

Tinakpan naman ni Yayoi ang kanyang bibig. "Pwede ba Hikoichi. Hinaan mo ang boses mo. Baka mapagkamalan tayong bias dito." Suway ng Ate sa kanya.

"Hehehe pasensya na Ate. Ang galing-galing kase nila. Isipin mo nga... Nasa Intercollegiate na sila pero pakiramdam ko ay parang Japan College Team parin ang kalaban nila." Sabi ulit ni Hikoichi at pinicturan ang court.

Pumito ulit ang Referee na ikinatingin ng mga players.

"CHARGED TIME-OUT! AL BALQA TEAM!" anunsyo ng Referee.

Pumalakpak si Coach Zakusa. "Ayos."

Huminga ng malalim ang mga players ng Al Balqa at nagtungo sa kanilang Coaching Box. Pagkarating nila ay tumayo si Coach Al Sharafat bitbit ang maliit na board ng court.

"Wala na tayong aaksayahing oras. Makinig kayo. Base sa observation at nalaman ko ay ang Triplets na nasa court ay hindi mga ordinaryong players. Silang tatlo ay mga sikat na Centro ng Japan Basketball Association Trainees." Panimula ni Coach Al Sharafat sa diskusiyon.

Napahilot ng leeg si Jabour. "Talaga? Kaya pala."

"Paanong kaya pala?" Tanong ni Coach Al Sharafat.

"Napansin ko din kase na matibay yung depensa nila. At isa pa, walang kahit anong emosyong pinapakita sa tuwing nakakapuntos ang kanilang Team. Napakaseryoso nila. Ibang-iba nung si Kyodaineko number 12 lang ang nasa court at sila ay nagchecheer sa bangko." Sagot ni Jabour.

Tumango si Coach Al Sharafat. "Syempre, hindi lang ang triplets ang poproblemahin natin. Si Sendoh at yung pulang-buhok ng Tokyo Team."

"Coach... Si Sendoh, malakas din yun. Nabasa ko siya sa isang magazine na siya daw ang 2 year term Super Ace Player ng Japan College Matches." Sagot ni El Maghraby. "Pero base sa mga laro niya ngayon. Parang balewala lang sa kanya. Hindi siya seryoso kumpara sa triplets."

"Oo, alam ko. Kaya mag-ingat kayo dun at bantayan niyo ng maigi para mapigilan niyo ang kanyang depensa." Coach Al Sharafat

"Coach, paano si Sakuragi? MVP daw yun." Tanong ni Al Jayarat.

Napasapo ng noo ang Coach. "Oo nga pala. Isa pa yang sakit sa ulo." Hinawakan niya ng maliit na board at may dinrawing dun.

"Makinig kayo. Si Sakuragi ang pinakapuntirya natin aside kay Sendoh. Si Sakuragi, kaya niya gawin ang lahat ng position. Tumitira siya ng long at short range shot. May lakas din siya tulad ng Centro. At base pa sa pinakitang data sakin ni Rofia... Si Sakuragi ang may pinakataas na record at rate ng pagiging Reboundant sa Japan College Matches." Diskusiyon niya at nilagay ang pangalan ni Sakuragi sa board.
"Dahil isa siyang independent player. Ganito ang gawin niyo sa kanya..."

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now