CHAPTER 184: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

899 48 24
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 184: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-3rd quarter| 18 mins. 15 secs.|
Tokyo Team: 58 | Skopje Team: 45]

Dahil nga sa pang-aasar ni Hanamichi at Sendoh ay mas lalo silang ginaganahan.

Samantala ang Skopje Team naman ay hindi na makapaniwala sa mga nangyayari. Halos 13 points na ang lamang ng Tokyo Team sa kanila. Kahit na sina Solevenn, Sylvestre at Cadieux ay hindi makapaniwala na kayang lampasuhin ng Tokyo Team ang ganitong kalakas na kuponan.

Binabawi na nila ang kanilang mga sinabi kanina tungkol sa Tokyo Team at saka hindi kayang tapatan ang Skopje.

Ganunpaman, ay hindi sila maging kampante. Dahil anumang oras ay madaling nakakabawi ang Skopje.

Ang bola ay kasalukuyang hawak ni Nikolovski, pinatalbog niya ito saka pinasa kay Ivanova.

*PASS!*

"Tara, opensa!" Sigaw nito at sinimulan nila ang opensa.

Si Jin naman na nasa bangko ay napasigaw din. "Depensahan niyo sila hangga't maari! Malaki na ang agwat niyo sa kanila kaya huwag niyo silang hayaan na makahabol!"

Inis namang tumingin si Nikolovski sa kanya dahil sa frustrated. "Ang ingay mo."

Nagtitigan silang dalawa ni Jin.

Saka inirapan.

"Aba--- mataray ang lalakeng 'to ah? Siguro mahina 'to kaya bangko." Bulong ni Nikolovski habang nakatingin parin sa gawi ni Jin.

Samantala si Sendoh na nakarinig ng kanyang sinabi ay napatawa na lang mg mahina. "Kakawa talaga yung isang tao kapag walang ideya."

"Ipuntos mo yan, Rajak!" Sigaw ni Jovanovska habang si Rajak naman ay nagdidribol na palapit sa ilalim ng ring ng Skopje Court.

Hindi makalapit si Mittsu doon dahil pinipigilan siya ni Jovanovska. Pagkalapit ni Rajak sa rebounding area ay tumalon ito sabay taas ng bola.

Nasa harapan niya naman si Hanamichi. Si Hanamichi lamang ang nakabantay sa kanya dahil ang ibang kasamahan nito ay parehong nasa kanilang mga opponent partners.

Sinabayan ni Hanamichi ang talon ni Rajak habang nakataas ang parehong kamay upang iblock ang tira nito.

"Wala yan!" Sigaw ni Hanamichi.

Pero ngumisi lang si Rajak sabay iwas ng bola sa kanya. Nilipat niya ito sa kaliwang kamay para hindi makuha ni Hanamichi saka nilay-up.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOS!

NICE LAY UP, RAJAK!"

Pagkababa ni Hanamichi at Rajak sa sahig ay sandali silang nagtinginan.

"Ano yung sabi mo kanina? Hindi mo kami paiiskorin?" Ngumisi si Rajak sa kanya.

"Am-pa-nget mo." Tanging sagot ni Hanamichi.

[2nd half-3rd quarter| 17 mins. 42 secs.|
Tokyo Team: 58 | Skopje Team: 47]

Hindi na sumagot si Rajak at iniwan na lamang si Hanamichi sa kinatatayuan nito.

Ang bola ay tumalbog sa sahig at kinuha naman yun ni Hanamichi saka dinribol paalis ng inner court ng Skopje.

Pagkalabas niya ay nakita niya si Maki na palagpas na ng division line patungong Tokyo Court.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon