CHAPTER 123:

661 36 13
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 123:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(KINABUKASAN...)

* * * G Y M N A S I U M * * *

"Sige! Takbo pa!" Sigaw ni Coach Zakusa sa Triplets.

Naka 15 laps na ang Triplets subalit hindi parin sila pinagpahinga ni Coach Zakusa. Halos nanuyo na ang kanilang lalamunan sa kakatakbo.

Samantala si Hanamichi, Kiyota at Ikegami naman ay nagpapraktis ng short at long jumpshots, habang ang mga seniors ay nag ti 3 on 3 ulit sa kabilang court.

Ang lahat ay abala, lalo na sina Haruko at Mari. Ang apat na ungas dalawang araw nang hindi nakatambay sa gymnasium. Lubos na nagtaka si Hanamichi sa kanila.

Sa araw na ito ay malalaman na nila ang resulta sa laban ng College Team ng bansang Georgia at Jordan. Kunting panahon na lang ang meron para sa kanilang training.

"BILISAN NIYO PA!"

"OPO!" sigaw din ng Triplets.

"Mamamatay na ata ako mga Tol." Sabi ni Hitotsu tila parang wala nang kaluluwa.

"Hindi ko na maramdaman yung mga paa ko." Futatsu

"Hindi ko akalain na ganito kagrabe yung training nila. Daig pa ang runner neto." Mittsu

"WAG NIYONG BAGALAN! BILISAN NIYO PA!" sigaw ulit ni Coach Zakusa.

"OPO!!!" umiiyak na sagot ng Triplets.

"Wag kayong palambot-lambot. Dapat malakas ang mga stamina niyo!" Coach Zakusa

Napatingin naman si Kiyota at Hanamichi sa kanila.

"Kawawa naman sila, prehh." Sabi ni Kiyota.

"Dapat lang na sanayin nila ang kanilang mga sarili sa matagalang takbo. Ang running exercise ay nakakapagrate kung gaano kataas ang stamina ng tao." Sabi rin ni Ikegami saka shinoot ang bola.

*Shoot!*

Tiningnan ni Hanamichi si Coach Zakusa. "Hoy Zakusa! Pagpahingahin mo muna kaya ang mga mahihinang nilalang na'to?" Pakiusap niya dito.

"Huh?" Sagot nito.

"Oo nga prehh, hindi lahat ng players mataas ang stamina." Sang-ayon ni Kiyota.

Umubo ng peke si Coach Zakusa bago sumagot. "Wag kayong makealam, palibhasa mga immortal kayo ni Sakuragi. Walang kapaguran. Gusto ko lang itulad ang tatlong 'to sa inyo."

Agad napatigil ang Triplets sa pagtakbo nang marinig nila yung sinabi ni Coach Zakusa.

"Anong ibig mong sabihin, Coach?" Tanong ni Hitotsu.

"Si Sakuragi at Kiyota ay mga immortal?" Futatsu

"Walang kapaguran?" Mittsu

Ngumisi si Coach Zakusa saka nilapitan sina Hanamichi at Kiyota. Inakbayan niya ang mga ito.

"Makinig kayo, Triplets. Para sa inyong karagdagang kalaaman... ang dalawang Unggoy na nasa harapan niyo ay mga immortal... Taong-gubat at Laking-gubat. Hindi basta-basta ang stamina ng dalawang Unggoy na'to. Parehong high rate reflexes na bihira mo lang makikita sa isang player." Pagmamayabang niya dito. "Eh kayong tatlo? May nakita na ba kayong ganito?"

Nakangiwi ang Triplets.

"Marami niyan sa National Team, Tol." Sagot ni Hitotsu.

"Oo nga." Futatsu

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon