CHAPTER 171:

652 46 11
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 171:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos ng laban ng Tokyo Black Samuraiz at Paris Vert Serpents ay nagtungo sila sa kani-kanilang locker room area. Sa saktong pagpasok pa lang ni Hanamichi sa locker ay agad siyang humiga sa bangko na bakal.

Ang lahat ay nagdiwang parin sa naging resulta ng laro. Sina Coach Kawarama at ang apat na ungas ay pumasok sa kanilang locker room at doon nagpatuloy sa pagdiwang.

"HANAMICHI!!" sigaw ng apat na ungas saka sabay nilang dinaganan si Hanamichi habang nakahiga sa bangko.

"ANO BAAAAAA!" Tili ni Hanamichi pero nagtawanan lang ang mga ito.

"Ang galing mo kanina Hanamichi! Akalain mo ikaw na naman ang huling nakagawa ng puntos laban sa Paris!" Nakangiting sabi ni Mito.

"Oo nga! Namimiss na naming yung magkalat ka sa court!" Sabi din ni Takamiya.

"Baka lumaki yang ulo mo Hanamichi, wag talaga ha?" Ohkusu

"Hehehe gagawin niya yan... Si Hanamichi pa." Sang-ayon ni Noma sa sinabi ni Ohkusu.

"BWAHAHAHAHAHA!" tawa ulit nila.

Nainis naman si Hanamichi sa kanilang pinagsasabi."Umalis kayong mga ungas--- ambibigat niyo!" Sigaw ulit nito.

"Hanamichi, apo." Tawag ng kanyang Lolo.

Tumigil silang lima sa pagrarambulan nang marinig yun. "Bakit po, Lolo?"

"Congratulations ulit sayo at sa inyong team, Apo. Nakapahusay at bumilib ulit ako sa iyong nga ipinamalas." Guhit sa mukha ni Coach Kawarama ang tuwa dahil isa na namang tagumpay ang nagawa ng kanyang Apo na si Hanamichi.

Nahiya naman si Hanamichi sa mga sinabi nito at napakamot na lang ng ulo  "Hehehe, wala yun Lolo. Sa susunod po ay mas gagalingan ko pa!" Sagot nito.

"Nakakabilib ka talaga. Payakap nga..." Sabi nito at niyakap niya si Hanamichi ng buong pagsaludo.

Pinuri din ni Coach Kawarama ang ibang myembro lalo na sina Coach Zakusa, Maki, Sendoh, Fujima, Hitotsu, Hanagata, Kiyota at Fukuda na naglaro sa laban.

Paglipas ng ilang oras na pahinga sa locker room ay napagdesisyunan nila na umalis na upang makapagpahinga sa hotel na kanilang matutulugan dito sa Paris, France.

*** Paris France Hotel ***

Muli silang hinatid ni George, ang lalaking kakilala ni Coach Kawarama dito sa France. Tinulungan sila nito para sa kanilang mga gamit at paghahanda sa kanilang pahingahan. Ang ibang players na walang ginagawa ay nauna nang humiga at hinihintay na lamang ang pagdating ng pagkain na pinabooked ni Coach Kawarama.

"Lolo Kawarama--- si Hanamichi po asan?" Tanong ni Mito dito.

Napaisip din si Coach Kawarama nang napagtanto niyang kanina pa pala wala si Hanamichi.

"Oo nga pala anoh... Nasaan ba ang batang iyon?" Takang tanong niya dito.

Lumabas naman si Takamiya na parang alam ang nangyayari. "Nakita ko sila kanina lumabas, kasama sina Haruko, Zakusa at Mari. Siguro mag dadate na naman ang mga iyon." Sagot nito.

Si Maki na nakahiga sa kama ay narinig ang kanilang pinag-usapan.

"Hayaan niyo na yung apat. Siguro gumala lang sila dito sa Paris. Madami kasing tanawin dito." Sagot ni Maki habang nakahiga.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon