CHAPTER 149:

643 40 17
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 149:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nakatutok sa white screen sina Hanamichi, Maki pati na ang pangkat nina Al Jayarat. Pinapanood nila ang laban ng France at Serbia at hindi sila makapaniwala sa nakikita. Parehong malakas ang mga kuponan.

Pasa dito, pasa doon.

Tira dito, tira doon.

Dakdak dito, dakdak doon.

Samantala sina Haruko at Mari naman ay sinulat sa blue book ang lahat ng nakita nila para sa karagdagang impormasyon. Habang si Coach Kawarama naman ay may kinakalikot sa selpon. Nagbook ito ng advance 20 slots para flight tickets kung sakaling saan sa Serbia o France ang mananalo at sunod na makakalaban ng kuponan ng kanyang Apo na si Hanamichi.

Lumipas pa ang ilang minuto ay ganun parin ang ginagawa nila. Sina Rofia at Ayesha naman ay naghahanda ng meryenda para sa kanila.

Huling segundo na lang ng laban.

At doon, ay dinakdak ng France number 10 ang bola sa ring na siyang nagpataob sa higanteng centro ng Serbia. Saktong natapos ang laban at pagpito ng Referee. Nagdiwang ang mga taga suporta ng France at pinuri ang player nitong may numero dyes. Ang Serbia ay natalo sa puntos na 62 points, habang sa France naman ay 72. Parehong numero unong kuponn mula sa parehong malalakas na bansa.

Ang dalawang kuponan na ito ay parehong napabilang sa Top 8 Global Rank nung nakaraang taon, pero sa pagkakataong ito ay bigong makapasok ang Serbia rank na iyon. Masayang kumaway sa mga taga suporta ang kuponan ng France maliban sa player na number 10. Hindi maaniag ni Hanamichi ang pangalan nito sa likod dahil pinagkakaguluhan ito ng mga tao at media. Hanggang sa inanunsyo ng Referee ang pagkapanalo ng France laban sa Serbia. Pagkatapos nun ay pinutol na ni Mittsu ang accessibility nito.

May kinalikot sandali si Mittsu saka niya tinanggal ang berdeng USB at binulsa.

Nawala na ang ilaw ng projecter na nakakonekta sa white screen pero sa Hanamichi ay nakatingin parin sa gawing iyon. Nakaramdam siya ng kunting kaba mula sa nakita niya. Hindi ordinaryong kuponan ang France at Serbia pero nagawa parin ng France ang manalo. Napakalakas nila, ang indibidwal nitong kakayahan ay napakagaling. Ang number 1 college team ng France College Matches ay ang makakalaban sunod ng Tokyo Team.

"Sakuragi!"

Napitlag si Hanamichi sa gulat ng hampasin siya ni Sendoh.

"Oh bakit?" Medyo iritang tanong ni Hanamichi.

"Ayos ka lang? Ang lalim ng pagkatulala mo ah?" Tanong din ni Sendoh sa kanya.

Umiling si Hanamichi saka huminga ng malalim. Hindi dapat siya pwedeng kabahan. Pero sa tuwing iniisip niya ang kuponan ng France ay nanunumbalik sa kanyang isipan nung panahon niya sa high school. Ang unang beses niyang makatungtong sa Interhigh bilang baguhan na player ng Shohoku. Parehong kaba nung unang beses niyang nakaharap ang noong defending champion na kuponan... Ang Sannoh Team.

Napailing ulit si Hanamichi. Oo, malakas na kuponan ang Sannoh pero nagawa parin itong talunin ng Shohoku Team noon. Kahit sila pa ang naging champion sa Interhigh ng dalawang taon at 20 years naging number 1 team sa Akita Prefecture.

"Naging malalim ka na naman, Sakuragi." Pukaw ulit ni Sendoh sa kanya.

"Huh? Hindi naman ako nahulog." Wala sa sariling sagot ni Hanamichi.

Napakamot na lang sa pisngi si Sendoh. "Nahulog? Sabog ka ata ngayon, Sakuragi. 'Lika dito, meryenda ka muna. Baka gutom lang yang pagkasabog mo." Hinila siya ni Sendoh para makatayo.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now