CHAPTER 170: TOKYO vs. PARIS (France)

755 55 20
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 170: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-4th quarter| 2 mins. 2 sec|
Paris Team: 79 | Tokyo Team: 70]

Sa dalawang minutong natitira ay ipinasok na nga itong si Jin para sa last two minutes back up ng Tokyo Team. Hawak ni Jin ang bola at pinatalbog niya ito. Bago simulan ang opensa ay napatingin siya sa scoring board.

"9 points pa." Bulong ni Jin habang pinapatalbog ang bola.

"Maintain niyo ang iba--- ako nang bahala sa substitute player." Anunsyo ni Marshall sa mga kasamahan niya.

Tumaas ang isang kilay ni Jin sa narinig. Nilingon niya si Marshall.

"Ang yabang ng pandak na 'to ah?" Bulong ni Jin.

Pumito ang Referee.

Nang marinig yun ni Jin ay sinimulan niya agad ang opensa. Ang kanyang mga kasamahan na sina Maki, Sendoh, Kiyota at Hanamichi ay mabilis na tumakbo palabas ng court ng Paris. Si Jin naman ay mag-isang idinribol ang bola palabas.

Ginamit ng Paris Team ang pagkakataon na mag-isang inopensa ni Jin ang bola samantala ang mga kasamahan nito ay nasa kabilang court na agad. Si Marshall ay nagtungo sa gawi ni Jin upang babagan ito at hindi tuluyang makapasok sa court ng Paris. Pagkalapit ni Marshall sa kanya ay inairpass lang ni Jin ang bola na saktong hindi maabot ni Marshall.

Napahangad silang lahat sa bola na nasa ere. Akmang dadakmahin yun ni Cadieux nang babagan siya ni Maki.

"Anong---" hindi makaalis si Cadieux sa kanyang pwesto.

Hindi siya tinatantanan ni Maki.

Ang player na nakakuha sa over head pass ni Jin ay si Sendoh. Sa ilalim ng ring naman ay agad tumungo si Hanamichi at Solevenn. Ang ibang kasamahan na sina Kiyota at Jin naman ay agad nagsipuntahan sa mga parteng outer area para sa tres puntos.

Si Sendoh ay nasa small forward area at malapit lang sakanya ang ring. Madali para sa kanya ang pumuntos mula dito. Nagpose siya para sa short range jumpshot.

Desidido din ang Paris Team na pigilang makapuntos ang Tokyo Team. Kaya si Sauveterre ay blinock si Sendoh, si Sylvestre naman ay binabagan si Kiyota dahil masyadong halata ang senyas nito.

Nakita ni Sendoh si Jin na nakataas ang isang kamay mula sa 5 ft ahead left area ng 3 point line. Pinasa pabalik ni Sendoh ang bola sa kanya.

*PASS!*

Sa saktong pagkasalo ni Jin ay nagshoot agad ito na hindi man lang pinaghahandaan ang porma.

*SHOOT!*

"Okay!" Nakangiting sabi ni Jin dahil pasok ang kanyang tres.

Nagdiwang naman ang Tokyo Audience dahil sa wakas ay nakapuntos muli ang kanilang sinusuportahang kuponan.

[2nd half-4th quarter| 1 mins. 43 sec|
Paris Team: 79 | Tokyo Team: 73]

"OKAY, TEAM! NGAYON, DEPENSA NAMAN! HULING MINUTO NA LANG!" Sigaw sa kanila ni Mari habang nagrerecord ng panibagong puntos.

Ang bolang shinoot ni Jin ay tumalbog sa sahig ay agad na kinuha ni Marshall at sinimulan ang opensa.

Ang Tokyo Team naman ay tumakbo patungo sa court ng Paris para depensahan ang mga opensa nito. Mabilis ang takbo ng apat na kasamahan ni Marshall at nakabuo ito ng 4-1 offense treat na kayang talunin ang top 4 tallest member ng Tokyo Team na nasa loob ngayon.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon