CHAPTER 138: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

561 39 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 138: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Wala sa dalawa. Dahil... Isa akong HENYO!"

Natameme si Jabour sa sinagot niya. "Kahibangan. Imposible maging henyo ang gunggong na tulad mo."

"Pwes... Gagawin kong posible yang imposible mo!" Sagot ulit ni Hanamichi sa kanya at hinabol ang tumatalbog na bola.

Bago pa man makalapit si Hanamichi ay nag-unahan na pala sa gawing iyon si Hitotsu at Al Hourani. Bago pa lumampas sa linya ang bola ay tinalon ito ni Hitotsu at pinalo pabalik sa loob ng court.

*Pak!*

Ang bolang sinave ni Hitotsu ay patungo sa tumatakbong gawi ni Hanamichi.

*Receive*

Didribol na sana si Hanamichi nang hindi niya namalayan ng kamay ni Khader.

*Pak!*

"Whaaaaah!" Napasigaw si Hanamichi sa bigla.

Pagkaagaw ni Khader ay pinasa niya agad kay El Maghraby at shinoot agad ito.

*Shoot!*

"Ayos!" Bulong ni El Maghraby at nag-apiran sila ni Khader.

Ang kaninang 26 points ng Al Balqa Team ay naging 28 points na. Sa wakas sa apat na sunod-sunod na tira ng Tokyo Team ay nakapuntos ulit sila.

Pumalakpak si El Maghraby para kunin ng atensyon ng mga kasamahan. "Okay, Team! Oras na para bumawi!" Sabi nito.

"Oo!" Sagot nila.

Agad silang tumakbo palabas ng kanilang half court at umabang sa half court ng Tokyo Team. Ang bolang shinoot ni El Maghraby ay kinuha ni Sendoh. Pinatalbog niya ito.

(Bouncing...)

"Okay lang yan Team. Lamang parin tayo sa kanila ng 8 points. Basta 'wag lang natin silang hayaang makapuntos ulit." Anunsyo ni Sendoh sa kanila.

Sumeryoso naman ng mukha ni El Maghraby. "Basta... 3 minutes na lang ng natitira sa first half. Bago matapos ang oras na iyon ay dapt tayo ang lamang sa kanila. Gawin niyo ang makakaya niyo para pigilan ng kanilang opensa. Hindi sila birong kalaban." Sabi ni El Maghraby sa kanila na saktong silang lima lang ng makakarinig.

Sinimulan na ni Sendoh ang opensa.

Dinribol niya ang bola palabas ng half court ng Al Balqa. Awtomatikong dumaan sa center circle at division line ng court. Pagkapasok ng Tokyo Team sa kanilang half court ay binabagan sila ng depensa ng Tokyo Team. Si El Maghraby muli ang tumapat kay Sendoh. Kaya pinasa nito ang bola kay Futatsu na nasa rebounding area agad ng kanilang half court.

Napabulong si Sendoh. "Ang husay... Nakarating agad sila dyan." Nahuli ni Futatsu ang mga tingin ni Sendoh kaya agad nitong pinasa ang bola sa kanya.

*Pass!*

Nasalo ni Futatsu ang pasa ni Sendoh.

*Pak!*

"What the---" natigilan si Futatsu nang naintercept agad yun ni Al Jayarat at agad pinasa ang bola kay Khader na nasa shooting guard area ng Tokyo Team's half court.
"Ang bilis makaagaw!" Dagdag pa ni Futatsu.

Ang bolang hawak ni Khader ay inoverhead pass niya sa tumatakbong si Jabour kasabay nito si Al Hourani. Dinribol ni Khader ang bola palabas ng half court ng Tokyo at pumasok sa kanilang sariling half court. Dumiretso siya sa 3 points line ahead of free throw area. Hindi na niya pinatagal ang paghawak sa bola at shinoot agad ito.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now