CHAPTER 142: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

646 43 15
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 142: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Hindi parin maalis sa mukha ni El Maghraby nang maalala niya parin ang mapang-asar na mukha ni Hanamichi lalo na ang tagumpay na pagpasok ng dalawang free throw nito. Hindi niya akalain na magaling sa shooting skills itong si Hanamichi.

Ang bolang nashoot ni Hanamichi ay tumalbog sa sahig at nakuha ulit yun ni Khalifa. Nasayang ang ilang minuto dahil sa nangyaring insidente. Pinatalbog ni Khalifa ang bola at pinasa yun kay El Maghraby. Agad nagsitakbuhan ang ibang kasamahan nito palabasng half court ng Tokyo Team. Pagkalagpas nila sa division line. Ang bolang hawak ni El Maghraby ay pinasa niya kay Jabour na nasa 3 point line ahead ng small forward area. Nakita ni Hanagata ang pagpasa nito kaya agad siyang tumungo sa gawi ni Jabour upang iblock ang tira nito.

Konting lapit na lang ni Hanagata ay mahuhuli niya ang bola pero agad yung iniwas ni Jabour sa kanya at shinoot. Pero mabilis ng kilos ni Hanagata kaya tumalon ito at tinamaan ang bola.

*Pak!*

"NATAMAAN NIYA!"

Ang bolang natamaan ni Hanagata para sumablay ay tagumpay paring pumasok sa basket. Nagulat siya dun. Pero nawala yun nang maalala niya yun ang signature shot ni Jabour.

Nagsigawan ang Al Balqa Audience dahil sa pasok na tira ni Jabour.

Ang kaninang 34 points ng Al Balqa Team ay ngayon naging 37 points na dahil sa tres ni Jabour. 17 minutes at 35 seconds na lang ang meron sa second half. 8 points pa ang kanilang hahabulin sa puntos ng Tokyo Team.

Mula sa pagkakashoot. Ang bola ay tumalbog sa sahig at mabilis na dinakma ni Maki at dinribol agad para masimulan ang opensa.

"Bilis, kilos!" Sabi ni Maki sa kanila.

Sa harapan ay naunang tumakbo si Sendoh at Hanamichi. Dahil mabilis ang pagdribol ni Maki na walang kahit anong bumabag ay nakarating agad sila sa half court ng Tokyo Team. Sa kanilang half court ay nag 3-2 high low motion defense treat ang ginawa ng Al Balqa. Ang depensang hindi makakapasok ang sinuman sa rebounding area at sa triangle zone ng base area ng ring.

Si Maki ay nakatayo sa free throw area. Si Sendoh na nasa gilid ay agad binagaban ni El Maghraby. Medyo nagtataka si Maki dahil kung bakit si Sendoh na naman ang binantayan ni El Maghraby sa halip na siya. Tumaas ng isang kilay ni Maki nang si Khalifa ang humarap sa kanya. Maatas ng anim na sentimetro si Khalifa kumpara kay Maki na nasa 192.5 centimeters.

Dahil sa laki niya at sa hindi libreng kalagayan ni Sendoh ay pinasa niya ang bola kay Hanamichi na nakatayo malapit sa shooting guard area. Nasa outer area siya.

Napatingin si El Maghraby dun at napaisip sa gagawin ni Hanamichi. Nang saktong makuha ni Hanamichi ay muli inalala nito ng practice skill ng 3 point shot.

Mag-ipon ng lakas mula sa mga paa, paakyat sa tuhod at binti, paakyat sa katawan hanggang sa braso. Dadagan ng konting pwersa hindi katulad sa inner area jumpshot skill. Nang makuha ni Hanamichi ang tempo ay shinoot na nito ang bola.

*Shoot!*

"AYOOOOOOOOS!!!

HANAMICHI!

ANG GALING NG TRES MO!" Masayang cheer ng apat na ungas sa kanya.

Nag-apiran si Maki at Hanamichi dahil sa tandem nito. Dagdag puntos na naman para sa Tokyo Team. Ang kasalukuyang 45 points ay naging 48 points na dahil sa tres ni Hanamichi.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now