CHAPTER 130: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

591 44 17
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 130: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Parang maiiyak si Coach Zakusa sa kahihiyang ginawa ni Hanamichi. "MVP ba talaga siya ng Japan College Matches? Nafufustrated ako."

"Cheer up dude." Natatawang sabi ni Mari.

Sa kauna-unahang laban ng Tokyo Team sa Intercollegiate. Ang unang foul sa kanilang Team ay napunta kay Hanamichi.

Isang foul para sa ating Henyo.

Nagtawanan naman ang Apat na Ungas.

"WHAHAHAHAH!

HANAMICHI ANG GALING MO!

SIGNATURE DUNK NG HENYO!

ISA PA NGA!" Sigaw ng apat na ungas.

Bumangon si Al Hourani. Binigyan siya ng tissue ng medic para punasan yung dugo sa kanyang ilong.

"Ayos ka lang? Kaya mo pang maglaro?" Tanong ng Medic sa kanya.

Tumango siya. "Opo, kaya pa." sagot niya.

Humingi ng pasensya si Hanamichi sa Team Captain ng Al Balqa.

"Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya. Nadulas sa ring yung bola."

Wala nang nagawa si Al Jayarat. Bumuntong hininga siya. "Ayos lang. Sa susunod panoorin mo yung galaw mo. Nakakadisgrasya ka." Sabi niya kay Hanamichi.

Ngumisi lang si Hanamichi at nag peace.

"Hindi! Siguradong sinadya mo yun, Sakuragi! Aminin mo!" Singit ni El Maghraby sa usapan nila pero hineadbutt lang siya ni Hanamichi.

*Blag!*

"Kung sinadya ko yun, siguradong ikaw ang isusunod ko!" Sungit na sabi ni Hanamichi sa kanya at iniwan siya.

Napahimas si El Maghraby sa noo niya. "Ang sakit nun ah?"

"Tama na yan. Ituloy na natin ang laro." Sabi ni Al Jayarat.

Inayos na ni Al Hourani ang kanyang sarili at bumalik sa pwesto kung saan nandoon ang kanyang mga kasamahan.

"Handa na ako." Al Hourani

"Mabuti naman." Najjar

Pumito ang Referee. Ang bola ay binigay sa Al Balqa Team. Umatras ang Tokyo Team hanggang sa division line para sa depensa.

13 points ng Tokyo Team laban sa 10 points ng Al Balqa Team.

Desidido parin ang Al Balqa Team na lamangan sila.

Hawak ni Al Hourani ang bola. Sa kanyang harapan ay nandoon sina El Maghraby at Najjar. Samantala sa unahan ay sina Al Jayarat at Jaradat.

*Pass!*

"Bilis!" Sigaw ni Al Hourani.

Ang bola ay pinasa niya kay El Maghraby. Ang tatlong iba pa ay sinulong depensa ng Tokyo Team.

"Pigilan sila. Huwag niyo silang hayaan na makapuntos ulit!" Sigaw ni Coach Zakusa.

Si Hanamichi ay nakatayo sa power forward area. Si Kiyota ay nasa Small forward samantala si Hitotsu ay nasa ilalim ng ring.

Habang dinidribol ni El Maghraby ang bola ay pinasa niya ito kay Najjar, malapit ito sa shooting guard area at nag-iisa pa.

*Pass!*

Pero isang bitag ang nangyari dahil agad nagpakita si Sendoh sa gawing yun kaya hindi makatira si Najjar. Pinasa niya ang bola kay Jaradat na nasa rebounding area. Agad itong nagjumpshot.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now