CHAPTER 158: TOKYO vs. PARIS (France)

502 49 8
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 158: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 13 mins. 21 sec|
Paris Team: 27 | Tokyo Team: 21 ]

Dahil sa malabowling na nangyari ay nakatikim ng sapok mula sa mga kapitan si Hanamichi at Sylvestre. Pero kahit na ganun ay nasayang parin ang pagkakataon at lamang parin ang kuponan ng Paris.

Muling pumito ang Referee bilang pagpapatuloy sa laro. Dahil sa nagawang foul ni Sylvestre ang bola ay mananatili sa kamay ng Tokyo Team. At ang huling player na nakahawak sa bola ay si Sendoh. Kinuha niya yun saka pinatalbog sa mula sa free throw area.

Sa ilalim ng ring at sa harapan nila ay nakadepensa ang Paris Team sa balak nilang kilos.

Dalawa, tatlo, apat na beses na pinatalbog ni Sendoh ang bola at walang anumang shinoot yun.

"Huh?" Nagtaka si Sauveterre dahil hindi niya nabantayan yun.

*SHOOT!*

"Ayoos!" Bulong tili ni Coach Zakusa. "Sige, habol team."

[1st half-1st quarter| 13 mins. 6 sec|
Paris Team: 27 | Tokyo Team: 23 ]

Pagkashoot ng bola ay agad umatras ang Tokyo Team para tapatan ang matuling opensa ng Paris Team. Pumwesto naman sa kanya-kanyang area sina Hanamichi, Maki at Hanagata. Si Fujima ay nakatayo malapit kay Sendoh.

Ang Paris Team naman ay gumawa din ng offense formation nila.

*Pass!*

"Pinasa niya kay Marshall!"

Mabilis na dinribol ni Marshall. Ang bola palabas ng half court ng Tokyo Team at sinulong ang mismong kuponan nila at harapin ang depensa ng Tokyo Team. Pagkalagpas ni Marshall sa middle line ng court ay pinasa niya ang bola kay Sauveterre na nasa unahan niya at patungong 3 point lane arc.

*PASS!*

Nasalo ni Sauveterre ang pasa niya. Si Sendoh naman ay agad siyang binabagan upang pigilan ang kanyang opensa. Pagkaharap nilang dalawa ay biglang huminto si Sauveterre sa opensa at hinagis ang bola paitaas.

"Ano?" Napahangad si Sendoh sa bola. Ang bola ay patungo sa gawi ni Solevenn na kasalukuyang dinedepensahan ni Hanagata.

Nagtulakan at nagpwersahan ng dalawang sentro. Bago pa man humakbang si Hanagata ay naunahan siya ni Solevenn at tinalon ang bola. Nakuha niya yun sa ere. Habang nasa ere ay pinasa agad yun kay Marshall na nasa ilalim ng ring.

*PASS!*

Pagsalo ni Marshall ay mabilis siyang nag lay-up bago pa siya maabutan ni Fujima.

*SHOOT!*

"Alright! Ipagpatuloy niyo lang." Pumalakpak si Coach Vilgauxe. "Huwag niyo sila hayaang makahabol." Dagdag pa niya.

[1st half-1st quarter| 12 mins. 51 sec|
Paris Team: 29 | Tokyo Team: 23 ]

"Bilis! Bilis! Depensa!" Sigaw ni Solevenn at tumakbo paatras dahil ang Tokyo Team na naman ang opensiba.

Ang bolang nilay-up ni Marshall sa ring ay tumalbog sa sahig at mabilis na kinuha ni Fujima. Dinribol niya ang bola palabas ng outer court palabas ng Paris Team half court. Tiningnan niya si Sendoh na nunang tumakbo kaysa sa kanya. Pinasa ni Fujima ang bola sa kanya upang siya ang magpapatuloy sa opensa.

Hawak muli ni Sendoh ang bola at dinribol papuntang left area ng 3-point line sa kanan ng Tokyo Team half court. Si Maki ay nasa shooting-guard area, si Fujima ay nakatayo sa Point-guard area at si Hanagata naman ay nasa right area ng 3-point line sa kaliwa.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon