CHAPTER 150: TOKYO vs. PARIS (France)

720 34 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 150: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** Amman International Airport ***

Magalang na nagpaalam sina Hanamichi at ng iba pa sa Team ng Al Balqa. Si Coach Kawarama at Coach Al Sharafat at nagbigay ng huling pagbati.

"Hanggang sa muling pagkikita, Kawarama." Nakipagkamayan si Coach Al Sharafat sa kanya.

"Ingatan mo palagi ang iyong kalusugan, Elkader." Ngumiti si Coach Kawarama sa kaniya.

"Oh siya. Aalis na kami. Maraming salamat pala dahil sinamahan niyo kami dito sa Airport ah?" Ngumiti si Hanamichi sa kanila.

Nakangiting lumapit si Khader sa kanya at nagshakehands ang dalawa. "Galingan niyo sa France, gunggong."

"Hindi mo na kailangang sabihin yan. Henyo ako at walang kupas ang galing ko." Nang sabihin yun ni Hanamichi ay humalakhak ito.

Inanunsyo na ng system ang pangalan ni Coach Kawarama pati ang mga kasamahan nito. Muling nagpaalam ang lahat sa Al Balqa at umalis na.

Halos 20 heads ng hawak ni Coach Kawarama sa flight tickets papuntang France at lahat ng yun ay mula sa kanyang bulsa. Si Hanamichi, pati na ang buong Tokyo Team ay nahihiya na sa kabaitang lubos ni Coach Kawarama. Ginastusan na sila noon ng flight tickets pa Jordan at ngayon naman ay pa France. Nahihiyang nagpasalamat si Coach Zakusa sa kanya.

Sa upuan ng eroplano ay magkatabi si Haruko at Hanamichi. Si Mito naman ay katabi si Coach Kawarama. Yumuko si Mito sa kanya at personal na nagpasalamat.

"Maraming salamat po talaga, Coach Lolo. Ang bait niyo po, sobra!" Nakayukong sabi ni Mito sa kanya. Ginulo lang ni Coach Kawarama ng ulo niya.

Sina Mito, Takamiya, Ohkusu at Noma ay nahihiya ng lubos sa kabaitan ni Coach Kawarama sa kanila. Hindi nila akalain na pati sila ay pinabooked din ni Coach Kawarama ng flight tickets. Ngumiti ito sa kanila, ang apat na ungas na kaibigan ng kanyang Apo ay tinuturing niya na rin na parang Apo. Bilib si Coach Kawarama sa apat na ungas dahil sa kabila ng balakid sa buhay ni Hanamichi ay nanatili parin ang Apat Na Ungas sa tabi ni Hanamichi.

Ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan.
Sa kalokohan, kasiyahan o sa kalungkutan man.

Binuklat ni Hanamichi ang isang french newspaper na sinalin sa lengwaheng ingles. Ang balitang nasa newspaper ay tungkol sa laban ng France at Serbia, pati na sa tagumpay nito. Napatingin din si Haruko doon.

"Vert... Serpents? Ano yun?" Tanong ni Hanamichi habang nakatuon ng tingin sa dyaryo.

"Vert Serpents, Sakuragi. Ibig sabihin Green Snakes, ang pangalan ng kanilang kuponan ay nakabase sa berdeng-ahas." Sagot ni Haruko sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi. "Kung ganun, mga AHAS talaga yung France?"

"Yung Team lang, Sakuragi. Hindi nakakapagtaka kung bakit mabilis na malambot ang mga galaw nila sa court base sa napanood natin. Mahihirapan kayong hagilapin ang mga galaw nila." Muling paliwanag ni Haruko sa kanya.

Muling nagbasa si Hanamichi sa dyaryo. "Vert Serpents... Ng Dauphine University of Paris?"

"Base sa sinabi sakin ni Ate Mari kagabi, ang Paris ay ng kapital na syudad ng France. Baka pagkarating natin sa France ay baka makita natin yung sinasabi nilang Eiffel tower." Nagtaka si Hanamichi sa sinabi niya.

"Eiffel Tower? Ano na naman yan?" Takang tanong ulit ni Hanamichi.

Sasagot sana si Haruko nang biglang sumigaw si Mari na nasa likuran lang nilang dalawa.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now