CHAPTER 161: TOKYO vs. PARIS (France)

457 47 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 161: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 9 mins. 29 sec|
Paris Team: 34 | Tokyo Team: 32 ]

Siyam na minuto na lang ng natitira sa first half at sa mga oras na ito ay lamang ulit ang kuponan ng Paris Vert Serpents. Nakatayo silang lahat sa court ng Tokyo Team na nakahanda ang isang matibay na depensa. Pinatalbog ni Hanamichi ang bola.

(Bouncing...)

"SIGE LANG TOKYO TEAM! LABAN LANG! KAYA PA YANG TWO POINTS!" sigaw ni Mari sa kanila habang dumadagdag ng record sa page ng Paris Team.

Sinimulan na ni Hanamichi ang opensa.

Dinribol niya ang bola palabas ng inner court ng Paris Team at agad pinasa kay Sendoh. Pagkasalo ni Sendoh ay mabilis din itong idinribol hanggang sa nakalabas sila sa Paris Team half court. Si Hanagata naman ay binilisan ang pagtakbo at sinugod ang depensa ng Paris Team hanggang sa nakapunta ito ng ilalim ng ring.

Nang makapasok si Sendoh sa court ng Tokyo Team ay agad siyang binabagan ni Sauveterre. Si Ozanne naman kay Maki at si Solevenn kay Hanagata. Dahil sa pagharang na iyon ay walang pasabi na pinasa ni Sendoh ang bola pagawi kay Fujima na nasa unahan niya. Pagkasalo ni Fujima na sa saktong nasa 3 point line ay shinoot agad ito.

Pero agad dumating si Marshall at tinamaan ang bolang tinira ni Fujima.

*PAK!*

Sumalubong ang kilay ni Fujima dahil dun. "Tssk. Na naman?" Bulong niya.

Ang bolang tinamaan ni Marshall na nasa ere ay nawalan ng balanse. Nakita yun ni Cadieux kaya tumungo ito para abutin ang bola, subalit sandali siyang napahinto nang may player agad na bumack-up dito at tinalon ang bola na nasa taas.

"Sakuragi." Sambit niya.

At doon parehong nakataas ang kamay ni Hanamichi at tagumpay na naabot ang bola sa halip sa kalaban.

*PAKK!*

"What!--- Imposible!" Napatuwid ng upo si Coach Vilgauxe. "Ang taas ng talon niya--- mas mataas pa kay Cadieux."

Samantala si Caideux ay nakatingin parin kay Hanamichi.

Pagkakuha ni Hanamichi sa bola ay binaba niya ito sa sahig kasabay nun ang pagdribol niya ng mabilis hanggang sa center area. Sa harapan niya ay nakatayo si Solevenn at Hanagata na nagpupwersahan. Bago pa man makalapit si Hanamichi ay sumulpot sa harapan niya si Cadieux.

Akmang papalpalin ni Cadieux ang bola kay Hanamichi pero nagulat na lang siya sa nakita dahil hindi na pala nito hawak ang bola.

"Teka--- nasaan na yung bola?" Paghahanap ni Cadieux.

At nakita niya na lang na hawak na ni Maki sa right side ng 3 point line tatlong metro ang layo sa kanila.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOOOS!" Hiyawan ng Tokyo Audience.

"NICE TRES MAKI!

MAHUSAY ANG PASS MO SAKURAGI!" puri ng ibang manonood.

[1st half-2nd quarter| 8 mins. 49 sec|
Paris Team: 34 | Tokyo Team: 35 ]

"HEHEHEHE ABA HANAMICHI ANG BILIS NG PASA MONG YUN!" cheer sa kanya ng Apat na Ungas.

Binawi ulit ng Tokyo Team ang pagiging lamang.

Gusto nilang lamangan ang Paris Team na higit sa sampung puntos pero nahihirapan sila lalo na sa pagpasok ni Cadieux. Baka hindi na nila ulit magawa ang lumamang ng 6 points o higit pa.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now