CHAPTER 152: TOKYO vs. PARIS (France)

528 33 5
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 152: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa kasalukuyang oras ay pinaghandaan na ng parehong Coach ang kanilang magiging starting players. Sa kuponan ng Tokyo Team ay nakahanda na sina Maki, Sendoh, Fujima, Hanagata at Sakuragi. Ang bangkong players na naiwan ay nakatingin lang sa kanilang lima samantala ang Triplets ay manghang-mangha dahil ito ang kanilang unang beses na makita na magkasama sa line-up ang malalakas nilang players tulad nina Maki, Fujima at Sendoh. At mas lalo pang pinalakas dahil magkasama din sina Hanagata at Hanamichi.

Merong mga Japanese citizens ang nandito ngayon sa standium para panoorin ang kanilang representative college team ng Japan. Wala silang ibang gagwin kundi ang suportahan at lakasan ang cheer samantala sina Coach Kawarama at ang Apat na Ungas ay hindi inaasahan na ganun agad ang line-up ng Tokyo Team. Dahil dun ay ramdam nilang hindi bastang ordinaryo ang Paris Team.

Ang Paris Team ay nakahanda na ang kanilang starting player at laking pagtataka ng Tokyo Team na hindi kasali sa line-up si Cadieux. Nang nakahanda na ang parehong starting player. Samantala si Hanamichi ay napatingin sa gawi ng Paris team's bench. Nakita niya si Cadieux na dekwatrong nakaupo katabi ang dalawang magandang French na managers.

Muling nagsalita ang Speaker upang ipakilala mga manlalaro.

Speaker: "Ngayon ay nakahanda na ang starting players ng parehong kuponan. Hayaan niyo'ng ipakilala ko silang lahat. Ang starting five ng Tokyo International University: Black Samuraiz at Dauphine University of Paris: Vert Serpents..."

"May introducing din pala dito?" Tanong ni Mito.

"Nangyari din 'to sa Al Balqa." Sagot ni Takamiya.

"Ayan na! Ayan na!" Napaayos ng upo ang apat na ungas.

"Tokyo Black Samuriaz, Team Captain; Black No. 4: SHINICHI MAKI!"

Nagsicheer ang apat na ungas sa kanya. "LOLO!!!!"

"Team Vice-Captain; Black No. 5:  KENJI FUJIMA!"

"FUJIBOOOOOO!

WAW SI BENCH WARMER AY STARTING PLAYER!" Masiglang sigaw ng Apat na ungas.

"Black No. 7: AKIRA SENDOH!"

Nang sambitin ng speaker ang pangalan ni Sendoh ay masayang nagcheer ang Triplets! "SENPAI!

SENPAI!

SENPAI!"

"Black No. 8: TOORU HANAGATA!"

"PANGALAWANG LABOOOOO!

LABO!

LABO!"

"Ayan si Hanamichi na!" Nakangiting sabi ni Mito.

"Tokyo Black Samuriaz; Black No. 10: HANAMICHI SAKURAGI!"

Agad nagsitayuan sa mga upuan ang apat na ungas kasabay nun ang malakas na paghahambalos ng kanilang mga platic bottles.

"Galingan mo, Apo!" Masiglang cheer ni Coach Kawarama sa kanya.

"Sakuragi! Good luck!" Cheer din ni Haruko. Kumindat si Hanamichi sa kanya at nag thumbs-up bilang sagot.

Speaker: "Mula sa Paris Vert Serpents... Team Captain; Green No. 4: VOLAND SOLEVENN!"

Nang tawagin ng speaker ang pangalan ni Solevenn ay naglakad ito papasok sa court. Napatingin ang buong Tokyo Team sa audience area ng Paris Team nang marinig na ang mga tambol ng drums na aabot hanggang 40 drummers. Grabe, may sarili silang University Band na sumusuporta sa Paris Team. Ang audience naman ng Tokyo Team ay napakakunti kung kaya ay hindi nila natatapatan ang cheering squad nito.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now