CHAPTER 121:

786 42 18
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 121:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Alright! 2 points pa ang score natin mga Bro samantala sa kanila 6 points na." Pinatalbog ni Mittsu ang bola.

"Kung point guard or forward lang sana tayo edi sana mas madali natin silang mahabol." Sabi ni Futatsu.

"Paano ba yan Tol, eh laking CENTRO tayo at doon lang magaling." Sabi rin ni Hitotsu. "Pero gawin natin ang lahat para hindi maging kulelat ang puntos natin." Dagdag pa nito.

"Oo!" Sagot ng kambal niya.

Sinimulan na nila ang opensa.

Ang mga seniors ay imbes na magpractice game ay nanood na lang sa kanilang underclassmens.

Nagsikalat sa half court ng 1st years sina Hanamichi, Kiyota at Ikegami para depensahan ang Triplets. Ang triplets naman ay nanatili sa outer area. Nag-aalangan silang tumira sa labas. Hindi sila bihasa sa mga long range shot.

Umatake sa loob ng kanilang half court si Hitotsu para babagan si Hanamichi. Si Kiyota at Ikegami naman ay dinepensahan ang dalawang natitira. Hawak ni Mittsu ang bola at tinira niya ito ng tres.

Napangiwi siya. "Rebound!" Sigaw niya.
"Heheh di ako marunong mag tres." Dagdag pa niya.

Naningkit ang mga mata ni Hanamichi. "Ano? May pa outer shot kapa di ka naman pala marunong!"

Pagkatama ng bola sa ring ay tumalon si Hanamichi at tagumpay na nakuha ang bola. Pagkababa niya sa sahig.

*Pak!*

Napalpal yun ni Hitotsu at naagaw ito mula sa kamay niya.

"Whaaaaah!" Napasigaw si Hanamichi. "Mang-aagaw!"

Pinasa agad ni Hitotsu ang bola kay Futatsu na nasa rebounding area para magjumpshot sa ilalim ng ring.

*Shoot!*

"Ayos!" Hitotsu/ Mittsu

Nag victory sign si Futatsu sa kanila habang nakangiti.

Ang score nila na 2 points ay naging 4 points na. 2 points pa ang kanilang hahabulin sa mga 2nd years.

Pagkatapos mashoot ang bola ay kinuha agad yun ni Ikegami at hinagis sa tumatakbong si Kiyota.

"Nice pass prehh!" Nakangising sabi ni Kiyota habang nagdidribol ng bola.

Agad naman nagsitakbuhan ang triplets patungo sa half-court ng 2nd years. Pero laking gulat nila na nasa harapan na agad si Hanamichi at nauna pa kay Kiyota.

"A-ang bilis niya, Tol!" Hitotsu

"Nakarating agad siya dyan?!" Futatsu

"May powers ata siya eh?" Mittsu

Dahil dun ay mas bilisan pa ng Triplets ang kanilang takbo patungo kay Hanamichi. Si Kiyota naman ay pinasa nag bola sa kanya para idakdak sa ring.

Pagkapasa nito.

"Nice pass Matsing--- huh?" Napatingin si Hanamichi sa Triplets na palapit sa kanya.

"Hindi kami makahinto!!!" Sigaw ng tatlo at...

*BLAAAAAAAG!!*

Nabunggo nila si Hanamichi at nadaganan nilang tatlo.

"Sakuragi!" Tawag ni Haruko.

Ang mga Seniors naman ay nagulat sa nangyari.

"Sakuragi!" Tawag ni Ikegami at agad nilang nilapitan ito.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now