CHAPTER 128: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

641 42 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 128: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Lamang ng 5 points ang puntos ng Tokyo Team kumpara sa puntos ng Al Balqa Team. Gusto mang tumawag ni Coach Al Sharafat ng time-out kaso masyado pang maaga. Kailangan niya munang obserbahan ang laban bago sumulong ng bagong taktika.

Nakakasiguro siyang may kahinaan ang Tokyo Team. Aalamin niya din kung sino ang Ace Player para puntiryahin.

Hawak ng Al Balqa Team ang bola. Pinatalbog yun ni Jaradat. Agad nagsisulong ang mga kasamahan niya patungo sa kanilang half court kung saan nakatayo ang Tokyo Team para sa depensa.

Si Jaradat ay katulad ni El Maghraby na point guard.

Nagtagpo ang tingin nila ni El Maghraby na parang nag-aabang ng pasa. Libre ito at walang bantay. Hindi na siya nagdalawang isip na ipasa sa kanya ang bola.

*Pass!*

*Pakk!*

Napatingin ang lahat nang bigong napasa ang bola dahil sa biglaag sulpot ni Kiyota siya mismo ang nakasalo sa bola.

"Ayos! Nice interception!" Tuwang sigaw ni Mari.

Agad nagsibalikan sa Tokyo team half court sina Kiyota. Nakasunod sa kanya si Maki at Sendoh habang ang nakaback-up at nasa ilalim agad ng ring ay sina Hanamichi at Hitotsu.

"Grabe, ang bilis. Nakarating agad sila dyan." Sabi ni Rofia. Ang 4th year manager ng Al Balqa Team.

"Hindi kaya may lahi silang ninja? Diba marami yun sa Japan?" Inosenteng tanong ni Ayesha.

"Siguro."

Nang makarating si Kiyota sa half court ay pinasa niya ang bola kay Maki na nasa 3 point malapit sa small forward area. Pagkabitaw niya sa bola ay laking gulat niya nang makita ang kamay ni El Maghraby.

Nakangisi si El Maghraby sa kanya.

*Pakk!*

Nagantihan ni El Maghraby si Kiyota tulad ng ginawa nito kanina. Ang bola ay tumalbog patungo kay Al Jayarat. Agad nagtarantahan si Hanamichi at Hitotsu nang makita nila si Al Hourani na nakabalik agad sa half-court ng Al Balqa. Nag overhead pass si Al Jayarat kay Al Hourani.

Tagumpay niyang nasalo ang bola.

Mabilis at matulin ang takbo ni Hanamichi at Hitotsu kaso mabilis din si Al Hourani kaya hindi na nila mahabol hanggang sa makalapit na ito sa ring.

*DUNKKKKKKK!*

Isang malakas na dunk mula kay Al Hourani.

Naghiyawan ang mga supporters nila.

"AYOS PUNTOS!

GANYAN NGA AL HOURANI!

HABOL TAYO AL BALQA!" cheer nila.

Nag-apiran naman si Al Hourani at Al Jayarat.

"Nice dunk!" Al Jayarat

"Nice pass, Captain!" Al Hourani

Pumalakpak namam si Sendoh para agawin ang atensyon ng mga kasamahan. "Okay lang yan Team. Tayo parin ang lamang. Bawi tayo." Sabi ni Sendoh sa kanila habang nakangiti.

Tumango naman silang apat.

Ang kaninag 3 points ng Al Balqa Team ay ngayon naging 5 points na. 3 points pa ang kanilang hahabulin.

"Ipagpatuloy lang natin yung estilo natin. Malalamangan din natin sila." Sabi ni El Maghraby habang nakataas ang hintuturo.

Pumalakpak ulit si Sendoh. "Sa atin ang sunod na puntos, Team!" Sigaw niya.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now