CHAPTER 136: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

610 45 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 136: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nakaharap sa Al Balqa Team ang bagong line-up ng Tokyo Team. Tumaas ang isang kilay ni Coach Al Sharafat dahil napansin niyang puro centro ang kasalukuyang limang players ng kalaban.

"Anong pakulo ba'tong ginagawa ng batang Coach na yun?" Taas kilay niyang tanong.

Dekwatrong umupo si Coach Zakusa at tiningnan din si Coach Al Sharafat. Nginisihan niya ang matanda.

"Kaasar..." Coach Al Sharafat
"Pwes hindi yan magiging problema--- Teka... Ang dalawang ipinasok niya ay kapareho ng apelyido nung isa sa starting five at magkakamukha pa?" Tiningnang maigi ni Coach Al Sharafat sina Hitotsu, Futatsu, at Mittsu.

"Triplets po sila Coach." Sagot agad ni Rofia.

"Talaga?" Coach Al Sharafat

"Magkamukha silang tatlo, pati physiques pareho. Ang kyut nilang tignan!" Tila naging hugis puso ang mga mata ni Ayesha habang nakatingin sa gawi ng Triplets.

Samantala ang Players ng Al Balqa ay nalito sa nakikita nila sa Tokyo Team. Tatlong players na magkakamukha at pareho pa ng last names.

"Teka ang gulo. Magkamukha ata kayong tatlo?" Tanong ni El Maghraby sa kanila.

"A-at magkasingtangkad pa." Dagdag ni Khader.

Ngumiti ang tatlo sa kanila.

"Kase Triplets kami." Sabay nilang sagot.

Tumayo ang balahibo ng Al Balqa Team dahil halos sabay silang magsalita at kumilos. Ibang-iba nung mag-isa lang si Hitotsu. Malilito sila kapag nagkataon.

(Pumito...)

Pumito ulit ang Referee. Kailangan na nilang tapusin ang first half. Nagsibalikan sa kanilang mga pwesto ang Al Balqa samantala ang Triplets ay nilapitan ni Sendoh at Hanamichi para payuhan.

"Hoy, kayong tatlo. Ngayong magkasabay na kayo sa laro. Umayos kayo." Bilin ni Hanamichi sa kanila.

"Huwag kayong mag-agawan okay? Triplets kayo kay dapat magkakaintindihan kayo." Sabi din ni Sendoh.

"Si Kuya Sendoh talaga." Sabay sagot ng Triplets. "Iba ang isda sa bola." Dagdag pa nila.

"Tigilan niyo nga yang synchronize niyo! Para kayong mga alien!" Sigaw ni Hanamichi.

"Sorry na!" Sabay sorry ng Triplets.

Dahil ang Al Balqa ang huling nakapuntos. Ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Samantala si Coach Zakusa ay pinaypayan ang sarili.

"Ngayong nasa loob na ang Triplets. Sana walang gulong mangyayari." Dasal niya.

"Bahala ka dyan, Coach Zakusa. Bakit mo kase pinagsabay yung tatlo." Sagot ni Maki.

"Hindi naman magiging problema yan diba?  Nandyan naman si Sakuragi at Sendoh para sawayin ng Triplets." Coach Zakusa

"Nagkakamali ka. Baka nga sabayan pa nila yung tatlo eh. Yun pa." Sagot din ni Kiyota.

Natigilan si Coach Zakusa.

Pinatalbog ni Sendoh ang bola. Habang nasa inner area ng Al Balqa. Katabi niya si Hanamichi sa pwesto niya habang sa kanilang harapan ay ang triplets. Ang depensa naman ng Al Balqa ay ganun din sa Tokyo Team. Tatlong player sa harapan at dalawa naman sa likod. Ang nasa likuran ng Al Balqa ay sina Al Jayarat at El Maghraby, samantala sa harapan ay sina Khader, Jabour at Al Hourani.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now