CHAPTER 153: TOKYO vs. PARIS (France)

551 35 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 153: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang Paris Team ang huling nakagawa ng puntos kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Kinuha yun ni Sendoh at pinatalbog. Nag-isip si Sendoh ng panibagong opensang gagawin dahil nakagawa agad ng mainam na depensa ang Paris Team. Hindi niya maitanggi ang kanyang pagkamangha sa kuponan na ito. Simula pa lang ng laban ay malinis na mga galaw nito sa court. Isang minuto pa lang ang lumipas ay nakadalawang shot na agad ang Paris Team.

Nagsenyasan ang mga Paris Players at nakikinig sila ng maayos sa instruksyon ng kanilang Kapitan. Magaan ang pakiramdam ni Sendoh sa kanila hindi katulad nung unang kaharap nila ang Al Balqa.

*Pass!*

Pinasa ni Sendoh ang bola kay Hanamichi. Pagkasalo nito ay mabilis yung dinribol ni Hanamichi palabas ng half court ng Paris Team. Pagkalabas niya ay binounce pass niya ito kay Fujima na nasa loob ng half court ng Tokyo Team.

*Pass!*

Si Fujima ay nasa point guard area at ang mga kasamahan na nakapasok sa depensa ng Paris Team ay sina Maki at Hanagata. Nang masalo ni Fujima ang bola ay saktong palapit sa kanya si Marshall na layuning agawin ang bola. Pero hindi pinatagal ng ilang segundo ang pagkakahawak sa bola kaya pinasa niya ito kay Hanagata na nasa small forward area. Nakita ni Solevenn ang pasang iyon kaya binabag niya ang kamay dun pero sa halip na saluhin ni Hanagata ang palapit na bola sa kanya ay pinalo niya ito para dumirekta kay Maki na nasa rebounding area.

*Pak!*

Nasalo ni Maki ang bola at dinakdak agad sa ring.

*DUNKKKKK!*

Muling naghiyawan ang munting cheering squad ng Tokyo Team na sumusuporta sa kanila sa loob ng gymnasium. Samantala sa Tokyo International University ay parang babagsak ang bubong ng gymnasium dahil sa lakas ng mga sigawan nila at karamihan dito ay mga estudyante pa. Tinakpan ni Yuki ng tenga niya sa lakas ng mga sigaw nito.

Sa Tokyo Team's Bench naman ay nagpalakpakan sila.

"Ang galing ng dunk mo, Captain!" Cheer ng Triplets.

"Isa pa, Maki! Tapatan niyo sila!" Cheer ni Kiyota at Jin sa kanila.

Ang mga French supporters ay hindi maintindihan ang kanilang mga sinisigaw dahil ang tanging naririnig nila ay ang lenggwaheng nihongo. (Ni-hon-go / Japanese)

Ang 3 points ng Tokyo Team ay nadagdagan ng 2 points mula sa dunk ni Maki kaya 5 points na. Ang Paris Team naman ay tila wala sa kanilang bukabularyo ang salitang SANDALI, ang bolang naidunk ni Maki na tumalbog sa sahig ay agad kinuha ni Ozanne at pinasa kay Solevenn na nakatayo sa outer area ng half court ng Tokyo Team at mabilis itong dinribol palabas.

(Dribbling...)

"Babagan niyo!" Sigaw ni Jin sa kanila mula sa bangko.

Dahil sa bilis ng pagdidribol ni Solevenn ay agad itong nakapasok sa half court ng kanilang mismong kuponan. Mabilis din umaksiyon ang Tokyo Team tila hindi magpapatalo sa bilis at tila galaw na ahas ng Paris Team. Sa triangle base area ng ring ay nakatayo doon ang power forward na Sylvestre. Nang magtapo ang kanilang mga tingin ay inoverhead pass ni Solevenn ang bola sa kanya.

*Pass!*

Nakahangad silang lahat sa bola na nasa ere.

Hindi nila namalayan ang isang player na palapit sa pasang iyon na kayang-kayang abutin at pigilan sa pamamagitan ng simpleng talon lamang. Habang nakatingin si Sylvestre sa bola ay para bang huminto ang oras nang makita niya ang kung sinong kamay ang nakalapit sa bola habang nasa ere pa lamang ito. Hindi siya makapaniwala.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon