CHAPTER 155: TOKYO vs. PARIS (France)

456 31 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 155: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 17 mins. 5 sec|
Paris Team: 11 | Tokyo Team: 13 ]

"Paano ba yan mga Pardz, lamang na naman kami ng 2 points." Ngumisi si Hanamichi sa kanila.

Natahimik ang cheering squad ng Paris Team.  "Ibang klase ang pulang buhok na ito." Bulungan nila.

Sina Mari at Haruko pati na rin ng mga bangkong players ng Tokyo Team ay bumilib siya pinakitang gilas ni Hanamichi laban sa Paris Team. Mayabang nga siya pero talagang may maibubuga.

Pumalakpak si Marshall na nagpabalik sa kanilang katinuan. "Okay, Team. Habol tayo. Isang shot lang yan!" Sabi nito. Tumango naman ang mga kasamahan niya saka huminga ng malalim.

Agad tumakbo sina Hanamichi at ng iba pa paatras hanggang division line para abangan ang opensa ng Paris Team. Hawak ni Marshall ang bola at pinatalbog ito. Pumasok na sa 16 minutes countdown ang oras ng first half. Nagtinginan si Marshall at Ozanne.

*Pass!*

Nasalo ni Ozanne ang bola nang ipasa ito ni Marshall sa kanya. Pagkatanggap niya ay mabilis niya itong idinribol palayo ng rebounding area hanggang sa nakalagpas siya sa free throw area ng Tokyo Team half court. Sa pwesto niyang iyon ay nakita niya sina Sylvestre at Sauveterre, pero ang mas nauna sa kanila na pumasok sa Paris team half court ay ang team captain nilang si Solevenn.

Binounce pass ni Ozanne ang bola sa gawi ni Sylvestre. Pagkasalo nito ay mabilis itong dinribol patungong power forward area. Samantala si Hanamichi ay hindi makakapayag na makalibre ang isang ito. Agad siyang tumungo sa gawi ni Sylvestre para babagan ng balak nito.

Sa ilalim ng ring ay parehong nakatayo sina Hanagata at Solevenn habang sa labas naman ay sina Fujima at Sendoh. Ang bola hawak ni Sylvestre ay agad iniwas kay Hanamichi nang makarating ito sa kanyang harapan. Nakita niya si Sauveterre na nasa gawi pala ng outer area ahead of power forward part. Chinest pass nito ang bola sa kanyang likuran kung saan nadoon ang pwesto ni Sauveterre dahilan para mabigo si Hanamichi na abutin yun.

Sa saktong pagsalo ni Sauveterre ay agad itong nagpose sa 3-point area. Pero nasa kanyang harapan si Sendoh na nakataas ang mga kamay. Nakadepensa ito at determinadong hindi palulusutin ang matagumpay niyang tira. Kaya hindi makatira si Sauveterre sa pwesto niya. Nilipat niya ang bola sa kanyang kanang kamay at inoverhead pass niya kay Solevenn na kasalukuyang nasa ilalim ng ring.

*Pass!*

Nakatingin si Hanagata sa bola at handa na siyang abutin ito.

Pero...

*Pak!*

*DUNKKKKKKKK!!!*

Nagulat si Hanagata sa mala kidlat na Alley Hoop ni Solevenn. Yung tipong kumurap lang siya pero naidakdak na ang bola. Natigilan siya.

Muling naghiyawan ang taga suporta ng Paris Team.

"ANG BANGIS NG ALLEY-HOOP MO!

SOLEVENN!"

Nag-apiran naman sila ni Sauveterre. Ang tandem ng kapitan at bisi-kapitan.

[1st half-1st quarter| 16 mins. 45 sec|
Paris Team: 13 | Tokyo Team: 13 ]

Pantay na ang puntos ng parehong kuponan.

Parehong kuponan na ayaw pagbigyan ang isa't-isa.

Ang bolang dinakdak ni Solevenn sa ring ay dinampot ni Hanamichi at pinatalbog ito. Isa-isa niyang tiningnan ang kanyang mga kasamahan. Hindi man halata sa kanyang hitsura pero ang sinasabi nito ay naiinis na siya. Kunting minuto pa lang ang lumipas pero naimbyerna na siya agad.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now